C34

17.8K 299 2
                                    

Danisse's POV

"Beh, kailangan mong kumain kung gusto mong palakasin ang loob ng asawa mo para gumising ito."

Kanina pa ako pinipilit ni Chester na kumain pero pakiramdam ko busog pa ako kaya.

"Hindi pa ako nagugutom, bey. Mamaya na lang ako kakain. Sabay na kami ng mga bata."

Wala nang nagawa si Chester kundi itabi ang pagkain na niluto nya. Medyo okay na ako ngayon compared kahapon na halos hindi ako makahakbang dahil sa panghihina.

"Bey, ano na nga palang nangyari kina Mike at Claire?" Usisa ko.

Wala kasing nagkukwento ng buong pangyayari nong araw na mabaril si Stan.

"Ang alam ko beh nakakulong na si Mike at si Claire naman ay napatay sa shoot out na nangyari."

Nagulat ako sa sinabi ni Chester. Patay na si Claire? Paano?

"Ano ba talaga ang nangyari nong araw na yun?"

"Nong araw na yun may nakakita daw kay Mike na sakay ng isang kotse at may tumawag na may-ari ng convenient store na nagsabi na nakita daw yung wanted na si Claire. Pumunta don yung mga pulis kasama si Stanley. Pagdating nila don, nagkagulo dahil ayaw pala sumama ni Mike sa pagtakas ni Claire. Nagalit si Claire at napagbalingan nya si Stanley. Binaril nya si Stanley ng dalawang beses kasabay ng pagbaril sa kanya ng mga pulis. Yun ang sinabi ng mga pulis."

Nagngitngit sa galit ang kalooban ko. Sa dami ng mapagbabalingan bakit ang asawa ko pa? He only wants to help pero bakit kailangan nilang saktan sya?

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Ano ba yan, beh! Iiyak ka na naman. Diba nga bawal ang iyakan ngayon? Dapat positive tayo. Gigising si kuya Stan."

Natatawa kong pinahid ang luha ko at huminga ng malalim.

I'll be strong!

- - - - - - - - - - - - - -

After two weeks..

Danisse's

Dalawang linggo na ang nakakalipas pero wala pa ding improvement sa kondisyon ni Stan. Nasa coma pa din ito. Tumawag na nga ang Daddy nya ng mga specialist from US para tumingin sa kondisyon ni Stan.

Ngayon nga ipapakilala sa kanya ang mga doctor na mag aalaga sa asawa nya. Inilipat na din muna sa bahay nila si Stan para mas maalagaan daw ito. Pumayag naman ang ospital since kompleto ang aparato na binili nina mommy at daddy para kay Stan.

"Hija, nandito na sila." Sabi ni Mommy Sonia.

"Sige po, mom. Lalabas na po ako."

Nasa kwarto kasi ako ni Stan. Hindi ako umaalis sa tabi nya hanggat maaari. Lagi ko din syang kinakausap. Napapabayaan ko na nga ang kompanya. Mabuti na lang to the rescue si kuya Patrick.

Sa study room namin imemeet ang mga doctor kaya doon na ako dumiretso. Iniwan ko muna sa nurse si Stan. May security din na nagbabantay sa labas ng room nya.

Pagdating ko sa study room ay nakita ko kaagad ang parents ni Stan at ang apat na nilalang na nakaupo sa visitor's area.

"This is my daughter-in-law Danisse and Dan sila ang mga doctor na gagamot kay Stan."

Naglakad ako palapit kina mom and dad saka humarap sa mga bisita.

"This is Dra. Pia Tiu."

Tinuro ni Dad ang babaeng nasa kalagitnaan na ang edad. Ngumiti ako dito.

"That is his husband Dr. Rey Tiu. The one sitting beside him is Dr. Henry Suarez and that young man over there is Dr. Bernard Choi."

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon