Dani's POV
Maaga akong nagising dahil sa ingay ng mag-ama na naglalaro sa sala. Dito kasi natulog si Stanley pero kung iniisip nyong magkatabi kami, nagkakamali kayo. Sa kwarto sya ni LC natulog. Hindi ko nga yun pinapapasok dito sa kwarto ko. Hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa nyang pagpasok sa kwarto ko without my permission. Pinatapon ko na din ang life size photo nya total magkasama na din naman sila ni LC.
Lumabas ako ng kwarto at sumalubong sa akin ang mukha ni Stanley na puro make-up. I burst into laughter. He scowled then looked at me.
"Enjoying the view, dear?" Tanong nya at dahil maganda ang gising ko sinakyan ko ang trip nya.
"Very much, dear." Tinabihan ko si LC. "Pero mas maeenjoy ko kung kakapalan natin ang lipstick ni Papa, diba baby?"
LC nodded with glee kaya kinuha ko ang lipstick ko na nakasama sa make-up toy ni LC saka iyon nilagay sa labi ni Stanley.
"Perfect!" I exclaimed. LC clapped her hands and ran towards my room.
Nagkatinginan kami ni Stanley. Ilang sandali lang ay lumabas ng kwarto ko si LC dala ang phone ko.
"Family picture!!"
Inayos ni LC ang phone para makapagselfie kami. Pumwesto sya sa gitna namin ni Stanley saka tinapat ang phone sa harap namin.
"Smile!"
We all smiled. Natawa ako sa nakangusong hitsura ni Stanley.
"Papa, why are you like that?!" Naiinis na tanong ni LC.
"Like what, baby?" Stanley asked.
"Like this oh!" Ginaya nya ang nakanguso na pose ni Stanley. Natawa naman kami sa cute na mukha ni LC. "Sabi ko smile, Papa not duck face."
"Cute naman si Papa, diba?" Stanley pouted.
"Papa naman eh! You're not listening to me! Mama oh, pasaway si Papa." Pinandilatan ko naman si Stanley.
"Oh sige. I'll smile na. Pinagkakaisahan nyo na ako eh."
Tumawa lang kami ni LC saka muling nagselfie. Ilang beses din kaming nagpicture. Tumigil lang kami nang dumating si Agatha.
"Wow! Happy family ah." Bungad nya sa amin.
"Tita Agatha, look oh! We're so cute!" Pinakita ni LC ang mga picture namin pero hindi yun tiningnan ni Agatha. Nakatingin lang ito kay LC na parang may hinihintay itong sabihin ni LC.
"Opps! No English nga pala. Sorry tita." Nagpacute si LC na nakapagpangiti kay Agatha.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.