Stanley's
"What are you talking about?"
Huminga ako ng malalim saka hinarap si Mike. Hawak pa din ako nong dalawang lalaki pero sinenyasan sila ni Mike na bitiwan ako. Nanatili yung dalawa na nakatayo at nakatutok ang mga baril sa akin.
"Anong sinasabi mo na hindi mo anak si Drake?"
"Hindi namin sya anak ni Laira. Nong una pa lang alam ko nang hindi sya sa akin. Pina-DNA ko sya dahil nagduda ako sa DNA na binigay ni Laira sa akin. Don ko nalaman na hindi ko sya anak pero inako ko pa din sya. Hindi ka ba nagtataka sa mukha ni Drake? He doesn't look like me. Wala din syang nakuha na features ko. Nong nahuli ng mga pulis si Laira sinabi nya sa amin ang totoo. Kung anong ginawa mo sa kanya."
Nakita ko ang paghigpit ng hawak nya sa baril. Kahit kinakabahan ako ay pilit kong pinakalma ang sarili ko. Bakit ba ang tagal nya? Nandito na dapat sya ny now.
"Sinabi nya sa amin kung paano mo sya binaboy at pinagsamantalahan. Kung totoo nga na mahal mo sya, bakit mo nagawa ang mga bagay na yun sa kanya?"
"Wala kang alam sa mga pinagdaanan namin ni Laira kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako! Wala akong pakialam kung hindi mo anak ang Drake na yun. Ilang minuto lang mula ngayon makikita mo na lang bangkay na sya."
May dinukot sa bulsa si Mike. Cellphone yun at may tinawagan sya.
"Wait for my signal, Claire." Aniya bago tumingin sa akin. "Tatawagan ulit kita."
"Mike, maawa ka sa bata. He's just six." Pagmamakaawa ko.
"I don't care kung ilang taon pa sya. Naging parte sya ng buhay nyo ni Laira kaya damay na sya dito!"
Umalingawngaw ang sigaw nya sa rooftop. Bigla akong kinabahan ng may marinig akong putok ng baril. Saan galing yun? Sino ang nagpaputok ng baril? Si Drake! Baka napahamak si Drake.
Tumunog ang cellphone ni Mike at mabilis nya itong sinagot.
"Claire, ano yung putok ng baril na yun?!"
Napahawak sya sa ulo nya kaya lalo akong kinabahan.
"Sabi ko hintayin mo ang signal ko! Anong ginawa mo?!" Nagpipigil sya ng galit. "Umalis ka na dyan!"
Pagkasabi non ay binaba na nya ang tawag at bumaling sa akin.
"Pasensya na, Stanley pero wala na ang anak-anakan mo. Pasaway kasi eh. Nabaril tuloy ni Claire!"
Parang bomba yun na sumabog sa utak ko. Susugudin ko sana sya pero pinigilan ako ng ma tauhan nya.
"Hayop ka, Mike! Wala kang awa!" Pilit akong kumakawala sa hawak nong dalawa.
Pakiramdam ko ang hina ko ngayon.
"A-Anong sinabi mo? Anong nangyari kay Drake?!"
Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nanginginig si Laira habang humahakbang palapit kay Mike. Nagulat si Mike sa biglang pagdating ni Laira. That's my plan. Alam kong si Laira ang kahinaan nya.
"Laira, tamang-tama ang dating mo. Halika! Sumama ka sa akin. Aalis na tayo dito kasama ang kayamanan nila." Masayang salubong ni Mike.
"Si D-Drake. M-Mike, ang a-anak ko?" Umiiyak na lumapit si Laira kay Mike.
Hindi naman makasagot si Mike.
"N-Nabaril sya ng tauhan ko."
Slaap!!
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.