Two years later..
Agatha's POV
"Tsong, alam mo ba kung saan nagpunta si Dani? Iniwan na naman kasi nya sa akin yung dalawang chikiting. Ang kukulit!!"
Tinabihan ko si Chester sa couch habang nanonood ng Walking Dead.
"Saan pa nga ba pupunta yun, eh di sa sementeryo para bi--" Sinubuan ko sya pop corn na kinakain nya para hindi na matapos ang sasabihin.
Alam ko na kasi ang sasabihin nya. Nasa sementeryo si Dani kasama ang 2 years old nyang anak na si Stan Caley or SC.
"Ikaw na muna bahala kina LC at Drakey, Tsong. Susunduin ko lang si Danisse."
Tumango lang naman sya at saka ako hinila palapit sa kanya.
"Mag-iingat ka, Orang ha? Mamimiss kita."
Pinalo ko ang braso nya saka kinuror sa tagiliran. Parang ewan kasi.
"Sa sementeryo lang ang punta ko kung maka-miss ka naman parang sa Canada ang punta ko. Gusto mo lang makachancing eh!"
Pilyong ngiti ang sinagot nya kaya lalo ko syang kinurot.
"Orang! Tama na! Masakit kaya ang kurot mo. Pag hindi ka tumigil hahalikan kita!"
Mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo ako palayo sa kanya. Narinig ko pa syang tumawa. Naiiling naman akong sumakay sa kotse ko na regalo sa akin ni Danisse. I hit the road.
Sa dalawang taon na lumipas, marami ang nagbago. May nawala pero may pumalit. Naging part na ako ng pamilya ni Danisse dahil na din sa kakulitan ni Chester. I can say that MU kami ng tsonggo na yun.
Si Patrick naman masayang masaya na sa buhay may asawa. He married last month sa number one enemy nya na si Yula. The more you hate, the more you love talaga.
Sina tita Divine naman at tito Philip, busy sa pagtravel nila around the world. Ganon din ang parents ni sir Stan.
And about sir Stan..
Nandito na pala ako sa sementeryo. Muntik na akong lumampas. Nakita ko kaagad si Danisse na papalabas na nang sementeryo. Hawak nya ang kamay ni SC na sobrang likot.
Binusinahan ko sila kaya lumapit sila sa kinaroroonan ko.
"Magtetext pa lang sana ako para magpasundo, nandito ka na pala."
Sinakay nya sa backseat si SC at kinabit ang seat belt nito. Sumunod naman sya ng sakay sa front seat.
"Binisita mo ulit sya?" Tanong ko.
Tumango naman sya at hindi na umimik pa. May nararamdaman akong hindi maganda sa kinikilos ni Danisse. Hindi ko na lang pinansin at nagdrive na lang ako.
"Ngayon babasahin ang last will--" She cut me off.
"I know. Ikaw na lang muna ang pumunta, Agatha. Masama ang kasi ang pakiramdam ko eh."
Napansin ko ngang matamlay sya kaya hindi ko na sya pinilit.
"Sige."
Ilang sandali lang ay narating na namin ang bahay nila ni Stan. Nasa iisang subdivision lang ang bahay ni Chester at bahay nina Danisse. Magkaiba ang bahay nila pero magkatabi lang.
Nakatulog na pala si SC kaya pala tahimik ang byahe namin.
"Magpahinga ka na, Dani. Ihahatid ko na lang dito sina LC at Drake mamaya. Si yaya na ang bahala kay SC." Sabi ko kay Danisse.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomansaCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.