Last Part: Ending
Danisse's POV
Tulad ng pinangako ni Stan kay Drake, binisita namin sina Mike at Laira sa kukungan.
"Drake, kamusta ka na anak?" Tanong ni Laira.
Ito ang unang pagbisita ni Drake sa magulang nya sa dalawang taong na lumipas. Hindi naman namin sya pinagbabawala. Sya ang may ayaw na bumisita. Himala nga kagabi at nabanggit nya pa yung promise ni Stan sa kanya.
"Okay lang po ako, Mi. Kayo po dito, kamusta?"
Napangiti naman si Laira ng tawagin syang Mi short for mommy ni Drake.
"Okay lang ako dito, 'nak. How's your studies?"
"It's fine. My teacher keeps on telling me that I should not study the lesson in advance."
Natawa naman kaming tatlo sa sinabi ni Drake. Matalino kasi si Drake kaya nagiging advance na sya sa klase nila.
"Nagmana ka talaga sa daddy mo." Nakangiting sabi ni Laira.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Drake. Hindi ko alam kung galit ba sya o hindi.
"I want to see him, Mi."
Pagkasabi non ni Drake at sinenyasan ni Stan ang warden. Kasunod non ang pagsulpot ni Mike sa likos ni Laira.
Saglit syang tiningnan ni Drake bago ngumiti.
"Hello po.. Di."
Napaluha naman si Mike kaya mahigpit nyang niyakap si Drake na gumanti din ng yakap.
"Di, hindi po ako makahinga."
Agad naman syang binitawan ni Mike. Tanggap na ngayon ni Drake na si Mike ang ama nya.
Nagkwentuhan pa kami ng tungkol kay Drake hanggang sa matapos na ang visitation hour nina Laira at Mike.
"Bibisita na lang po ulit kami next time, Mi.. Di." Paalam ni Drake.
"Hihintayin ka namin, 'nak."
We bid good bye and left. Hinatid lang namin sa bahay si Drake at nagpahatid ako kay Stan sa sementeryo.
"Magkukwento ka ulit sa kanila?"
Tumango naman ako.
Lagi akong bumibisita sa sementeryo para magkwento kina Daddy Clark at Mommy Trisha, pati na rin kay Cassidy. Sabi kasi ni Stan si Cassidy daw yung nagsabi sa kanya na gumising mula sa coma. Sobra akong nagpapasalamat sa ginawa ng kakambak ko kaya naman lagi ko silang binibisita.
Kahapon naman binasa yung totoong last will and testament ni Daddy Clark. It took one year and a half bago naayos ang last will at nabawi ang mga property ni Dad. Ngayon nasa pangalan ko na ang lahat ng property at business na naiwan ni Daddy. Tinutulungan naman ako nina Stan, Chester at kuya Patrick sa pagmamanage.
Speaking of Chester, masasabi kong straight guy na talaga sya. Nagrequest pa talaga yun sa akin na bilhan ko sya ng town house at condo dito sa Pinas dahil dito na daw sya titira at dito na din nya tatapusin ang pag-aaral nya.
Akala nya hindi ko alam na binabakuran nya si Agatha. Although mas matanda ng 2 years sa kanya si Agatha, hindi naging hadlang yun para maging masaya sila. Boto din naman ako kay Agatha. Napakamaalaga nya at maalalahanin. Kung hindi dahil sa kanya baka hindi na kami mag-asawa ni Stan ngayon. I owe her a lot. Kung hindi nya binuking si Bernard baka napalayas na ako ng parents ni Stan.
Well, about Bernard, nakakulong na sya ngayon at wala nang pag-asa na makalaya pa.
"We're here."
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.