C33

17.6K 289 2
                                    

Danisse's POV

Nagising ako sa ingay na nasa paligid ko. Maraming nagsasalita at may umiiyak din. Ano bang nangyayari?

Naririnig ko ang boses ng daddy ni Stan pati si Mama naririnig ko din. I also heard mommy Sonia's cry.

Bakit sya umiiyak?

Nacucurious na ako kaya pinilit kong magmulat. Mabigat ang mga talukap ko pero pinilit ko pa din.

Nilibot ko ang paningin ko. Una kong napansin si Agatha na nakaupo sa upuan malapit sa bed ko. Nakatingin sya kina Mama pero nong mapatingin sya sa akin ay nagulat pa ito.

"Ma'am, kanina pa po ba kayo gising? Sandali po tatawag ako ng doctor."

Aalis na sana sya pero pinigilan ko.

"Wag na. I'm fine. I just need some water."

Mabilis naman syang kumuha ng tubig. Hindi pa din napapansin ng ibang tao sa silid na gising na ako. May pinag-uusapan sila pero hindi ko masyadong marinig dahil malayo sila sa akin.

"Mom, why are you crying?" I asked mommy Sonia.

Sabay-sabay naman silang napalingon sa akin.

"Anak! Mabuti naman gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?" Si Mama.

Ngumiti ako bago sumagot.

"I'm okay, Ma. Anong nangyari sa akin?"

Nagkatinginan naman silang lahat. Nandito kasi ang Dad ni Stan, mom nya, si Mama at si kuya Patrick at si Agatha.

"Anak, mahigit 78 hours ka nang natutulog. Sabi ng doctor dahil daw sa sobrang stress at pagod kaya ganon."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Mama. Grabe! 78 hours? Tatlong araw akong natutulog. Grabe naman yun.

Sandali, nasaan si Stan? Sigurado ako nakabalik na yun sa sobrang tagal ko ba namang tulog.

"Mommy, nasaan po si Stan?"

Biglang nalungkot ang mga mukha nila. Tiningnan ko naman si Agatha. Yumuko lang ito na parang sadyang iniwasan ang mga tingin ko.

Magtatanong pa sana ako ulit nang may biglang pumasok sa silid.

"Mama!! You're awake na."

Si LC! Oh God, namiss ko ang anak ko.

"Baby, thank God okay ka na. How's your wound?" Sabay tingin ko sa tagiliran nya.

"I'm fine na Mama. Magaling po nurse ko eh." Sabay turo nya sa babaeng kasunod nya na nakasuot ng pang-nurse.

Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko din.

"Mama, you need to be fine also. Kasi sabi ni Momsy, Papa needs you daw po."

Nangunot naman ang noo ko sa tinuran ng bata.

"Why, baby? Where's your Papa?"

Pagbanggit ko sa Papa nya ay bigla itong nalungkot.

"He's been sleeping like you since yesterday, Mama."

Napatingin naman ako kina Mama at sa ibang mga tao sa kwarto. Nagtatanong ang mga mata ko na tumingin sa kanila.

"Ma, anong nangyari kay Stan? Nasaan sya? Bakit wala sya dito?"

Sunod-sunod ang tanong ko sa kanila.

"Sagutin nyo ako! Nasaan ang asawa ko?!"

Umiiyak akong niyakap ni Mama. Si Mommy naman ay lumabas ng kwarto na umiiyak din at sinundan sya ng asawa nya.

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon