C19

22.8K 364 2
                                    

#5

You don't love me..

***

Pinilit kong maging okay kahit na parang binibiyak ang ulo ko. I hate hang overs.

"Drink this." Inabot sa akin ni Stan ang isang gamot at tubig. "It'll help you lessen the pain."

Kinuha ko ang inaabot nya at mabilis na ininom. Ilang sandali lang ay ramdam ko na ng epekto ng gamot.

"Sino ba kasi nagsabi sayo na uminom ka?" Tinabihan nya ako sa mahabang sofa na inuupuan ko saka kinuha ang remote ng tv at nanood.

"Kailangan ba na may magsabi sa akin bago ako uminom? I can handle myself." Mataray kong saad at tinuon ang pansin sa pinapanood nyang movie.

Umiling sya saka nagsalita.

"You can handle yourself?! Do you remember what happened last night?! Two men dragged you out of that bar! Muntik ka ng pagpyestahan ng dalawang yun kung hindi ako dumating!" Bahagyang tumaas ang boses nya pero hindi ako natinag.

"Paano ka nga pala napunta don?" Nagtataka kong tanong.

"Agatha told me." Aniya.

What would I expect. Madaldal ang secretary ko at makulit ang lalaking katabi ko.

"I called your parents last night. They told me everything that they told you kaya naiintindihan kita kung bakit ka naglasing." Hindi ako umimik pero sinulyapan ko sya.

"They also told me about Cassidy."

Parang bigla akong nabingi at tanging pangalan lang ni Cassidy ang naririnig ko. My twin but my rival.

"Kaya pala magkamukha kayo, you are twins." Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya.

Parang may isang libong karayom ang tumusok sa dibdib ko. Sa mga ngiti nya pa lang alam ko ng mahal nya pa din si Cassidy.

"You don't love me." Wala sa sarili kong sabi.

Nakatutok pa din ang mata ko sa telebisyon pero hindi ko na maintindihan ang pinapanood ko.

"I do." Napatingin ako sa kanya.

He's looking at me seriously. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero mas pinili ko yung huli.

I snorted and looked away.

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon