Laira's POV
Ramdam ko ang galit at sama ng loob ni Danisse at kitang kita yun sa mga sugat at pasa ko ngayon sa katawan. Kung tutuusin
kulang pa ang mga to para pagbayaran lahat ng kasalanan ko sa kanya. Kulang pa ito para mawala yung sakit na dinulot ko sa kanya. Handa kong pagbayaran ang lahat ng kasalanan ko pero tulad ni Danisse, biktima lang din ako. Biktima ako ng mga Sullivan."Laira, please tell us the truth." Maamo akong nilapitan ni Tita Divine, mama ni Cassidy at Cassandra.
Dumating sila kanina habang pinapakalma ni Stan si Danisse.
Umupo ako ng ayos at tumingin sa mga tao na nasa harap ko. Kung hindi nyo naitatanong, nandito kami ngayon sa police station. Dito na nila ako dinala para hindi na daw ako makatakas. Wala naman akong planong tumakas. Pagod na akong tumakas.
"Simula pagkabata, nangungulila na ako sa pagmamahal. Maaga kasing nawala ang mga magulang ko kaya napunta ako sa pinakamalapit kong kamag-anak dito sa Maynila na sina Tito Frank at Tita Agnes. Pinsan ni mama si Tita Agnes. Inampon na nila ako dahil gusto daw ni tita Agnes na magkaroon ng anak na babae. Akala ko magiging ayos ang buhay ko sa kanila pero nagkamali ako. Ako ang ginagawang punching bag ni tito Frank kapag nalalasing sya. Lagi naman akong pinag-iinitan ni kuya Greg dahil sa inggit. Sinubukan kong lumayas pero wala naman akong ibang mapupuntahan kaya naging batang lansangan ako. Hanggang sa makilala ko si Mike Sullivan. Sya ang naging dahilan kaya ako nagkaganito. Sya ang nagturo sa akin maging masama at pinagsisisihan ko na nakinig ako sa kanya." Huminto ako saglit dahil naiiyak na ako. Masakit balikan ang pinanggalingan ko.
"Sino si Mike Sullivan?" Tanong ni Danisse.
"Si Mike Sullivan ang dating business partner at tinuring na best friend ni Mr. Samonte pero nasira ang pagkakaibigan nila ng malaman ni Mr. Samonte na ninanakawan sya ng pera ni Mike. Malaki ang galit ni Mike sa Dad mo. Ito ang sinisisi nya kung bakit sya naghirap." Pagpapatuloy ko. "Nalaman nya na may anak pa na isa si Mr. Samonte maliban sayo. Pinaimbestigahan nya ang lahat ng kilos at galaw ng Mom at Dad mo. Hindi ka nya non magalaw dahil marami kang bantay pero nakahanap sya ng pagkakataon na magantihan ang Dad mo nong makita nya si tita Divine na nakipagkita sa mom at dad mo. Si tita Divine ang naging susi para makita nya si Cassidy. Pinilit nya ako na kaibiganin si Cassidy. Labag man sa kalooban ko pero dahil sa utang na loob ko kay Mike ginawa ko pa din. Noon ko nakilala si Stanley. Minahal ko si Stanley pero alam kong si Cassidy ang mahal nya. Lahat ng ginawa ko simula ng araw na nakilala ko si Cassidy ay plano lahat ni Mike. Pati ang aksidente at ang pagpapanggap ko."
"Bakit hindi ka tumanggi? Bakit hanggang ngayon sumusunod ka pa din sa kanya?" Tanong ni tita Divine.
Mahina akong tumawa. "Sinubukan kong tumanggi pero.."
Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil isa yun sa pinakamasaklap na nangyari sa buhay ko.
"Pero ano?" Si Stan.
Lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Pero ginahasa nya ako." Napaluha ako ng tuluyan sa pag-amin ko.
Lahat naman sila ay nagulat sa sinabi ko. Maging si Danisse ay nagulat. Dapat nga masaya sya dahil yung kaaway nya ay kawawang kawawa pala.
"Si Drake.."
Hindi ko na pinatapos si Stan. "Si Drake ang bunga ng ginawa ni Mike sa akin. Pati anak ko ginamit nya para maisagawa ang paghihiganti nya."
"Tungkol sa aksidente na nangyari sa magulang ko at kay Cassidy, bakit aksidente ang nakalagay sa report ng mga pulis?" Tanong ni Danisse.
Huminga ako ng malalim saka kinuwento s kanila ang buong pangyayari.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.