"Mama!" LC ran towards my direction. Sinalubong ko naman sya ng yakap.Naramdaman ko ang mga titig nya kaya kumalas ako sa pagkakayakap kay LC.
"Baby look." Sabi ko kay LC sabay turo kay Stanley.
"Mr. Smile!!" Mabilis na lumapit si LC kay Stanley saka yumakap.
I saw him smile but a tear fell down his left cheek. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero nakita ko na lumuha sya. Kinarga nya si LC habang yakap ito.
"Is Stanley Delgado your name, Mr. Smile?" Tanong ni LC nang kumalas sa pagkakayakap.
"Yes, baby." Masiglang sagot ni Stanley.
"I heard mama said last night that my father's name is Stanley Delgado. Are you my missing papa?" Natawa ako sa tanong ni LC. Missing talaga? Hindi naman nawawala ang ama nya ah.
"I believe so." He answered then looked at me. "What's her name?"
Sasagot na sana ako ng magsalita si LC.
"My name is LC King short for Lexy Cassidy."
"That's her name." Saad ko habang hinahaplos ang likod ni LC.
"You named your company after her?" Tanong sa akin ni Stanley.
"Hindi ba obvious?" I saw him smile at me. May kung anong nagparty sa tyan ko dahil sa ginawa nya.
It's been four years since I last felt this so called butterfly in stomach. And this feeling brought me to danger.
"Mama can I call her Papa?" Napatingin ako sa kanilang dalawa. Nakangiti sa akin si LC at mas malawak naman ang ngiti ni Stanley.
I wanted to say no but seeing LC with that smile, I think I shoul say..
"Yes."
"Yey! I have now a Papa. Ate Agatha did you hear that? Papa sya of ako."
Napatingin ako kay Agatha na nasa likod ko at kinindatan nya lang ako. Natuto kaagad si LC ng Filipino. Mukhang magaling magturo si Agatha ah. Mabigyan nga bunos.
"Cass-- I mean Dani pwede ko bang makasama ang anak ko ngayong araw?"
Tiningnan ko sya ng masama.
"Don't worry hindi ko sya itatakas. Kung gusto mo pasamahan mo kami sa secretary mo para sure ka na--" Hindi ko na sya pinatapos.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.