Dani's POV
I can't sleep tonight. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa unit ni Stanley. We almost made out. Mabuti na lang nakapagpigil kaming dalawa. Eto ako ngayon. Naguguluhan sa mga nangyayari.
Bumalikwas ako ng bangon at lumabas ng kwarto. I need a drink. Sad to say, walang alak dito sa unit ko. I guess I need to go to a bar near this place.
Nagpalit ako ng damit saka sinilip si LC. Mahimbing ang tulog nya sa kwarto nya kasama si Agatha. Dito ko na pinatira si Agatha sa unit ko para may kasama kami ni LC.
Lumabas ako ng unit and I almost shrieked when I saw Stanley standing in front of my door.
"What are you doing here?" Tanong ko habang sinasara ang pinto sa likod ko.
"I can't sleep." Aniya.
"Anong gusto mo? Ipaghele kita?!" Sabi ko.
Ngumisi sya at lumapit sa akin. Konti na naman ang space sa pagitan namin at parang masusuffocate ako sa ginagawa nya.
"Pwede din." Nakangisi nyang sabi.
Parang may dumagundong sa dibdib ko dahil sa sinabi nya.
"Ipaghele mo sarili mo!" Hinawi ko sya para makadaan ako. He's blocking my way kasi.
"Wait! Where are you going?" Hinawakam nya ang braso ko. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko kaya napatigil ako.
"I'm going to a bar near here." Sagot ko at piniksi ang braso para mabitawan nya.
"Iinom ka?"
"Am I not allowed to drink?"
"Yes."
Natigilan ako sa pagiging seryoso nya.
"Don't tell me what to do." Sabi ko at iniwan sya.
Hinabol nya ako kaya magkasama kami ngayon sa elevator.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Sa pupuntahan mo."
Ayoko makipag-away ngayon kaya hahayaan ko muna sya.
Narating ko ang isang bar na tatlong street lang ang layo sa building. Mukhang sikat ang bar na ito dahil maraming tao at mukhang mayayaman pa ang nagpupunta dito.
"Good choice."
Napatingin ako sa katabi ko na abot tenga ang ngisi. Nagpumilit na sa kotse ko na lang sya sumakay kahit na may kotse naman sya. Pumayag ako kesa naman mamatay ako sa kakulitan nya.
"Out!" Utos ko na sinunod naman nya.
Pagkapasok ko ng bar ay sumalubong kaagad sa akin ang loud music at ang mga ilaw na masakit sa mata. This really is a bar.
I came here to drink kaya dumiretso ako sa counter at umorder.
"Margarita."
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.