C25

20.4K 337 2
                                    

Stanley's POV

Nagising ako sa lagaslas ng tubig galing sa banyo. Tinignan ko ang kabilang side ng kama para icheck si Dani pero wala sya sa tabi ko. She must be taking a bath.

Anong oras na ba?

Tiningnan ko ang phone ko para sa oras. It says it's already 8 in the morning at may 5 missed calls and 10 messages ako from my secretary. Binuksan ko ang mga messages and it's all about business except for one.

From: Jason

Sir, may report po mula sa security ng building na tinutuluyan nyo ni Miss King. May isang lalaki daw po na nagtatanong sa unit number ni Miss King. Call me when you read this, sir.

Mabilis kong tinawagan si Jason. Sumagot naman ito kaagad.

"Sir, mabuti po tumawag kayo. Kanina ko pa po kayo tinatawagan eh. Sabi po ng asawa nyo, tulog pa daw po kayo. Napagod ba kagabi, sir?"

Nakausap nya pala si Dani. Matagal ko ng secretary si Jason, halos tropa ko na din dahil sya ang lagi kong kasama sa lahat ng business trips at furlough ko. Alam nya din lahat ng appointments ko kaya ganyan sya kung makipag-usap.

"Tigilan mo ako, Jason. May ibabalita ka ba?" Tanong ko.

Bumangon ako para pumunta sa veranda. Sinuot ko lang yung boxers ko na nakakalat sa sahig saka nagpunta sa veranda. Baka kasi marinig ni Dani ang usapan namin.

"Yes, sir. Tungkol sa lalaking nagtanong sa reception kagabi about sa unit number ni Miss King. Naidentify na po namin sya."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Jason. Kung si Mike man ang lalaking yun, nasa panganib ang buhay ng mag-ina ko.

"Sino yung lalaki?" Kinakabahan kong tanong.

Basta pagdating sa mag-ina ko walang pagsidlan ang kaba ko.

"Froilan Medina, sir."

Napakunot ang noo ko. Froilan? Sino yun? Isa na namang may galit sa pamilya ni Danisse?

"Related ba sya kay Mike?"

"Yes, sir. We already checked his background at lumalabas na kamag-anak sya ni Laira. Sya ang anak nong mga umampon kay Laira. May mga tao na po na tumutugis kay Froilan at Mike. Nasa pulis na din po ang pamilya na umampon kay Laira. You need to come here, sir. May nalaman po kami sa ama ni Froilan na siguradong makakatulong para mapabilis ang paghuli kay Mike."

Magsasalita na sana ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod. My lady.

"Good morning." Bati nya. "Is that you're secretary?" Tukoy nya sa kausap ko sa phone. Tumango naman ako.

Ang bango nya. Sh*t! Nakakabaliw ang amoy nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humarap ako sa kanya at hinalikan sya sa labi. I love this woman so bad.

"Teka.. teka lang, Stan. You're still on the phone. Kausapin mo muna ang secretary mo kanina pa yan tumatawag eh." Sabi nya saka ako tinalikuran.

Napanguso naman ako. Sayang makakaisang round na sana. Binalik ko sa tenga ang phone ko.

"Istorbo na ba ako, sir?" Nanunukso nitong tanong. Kung kaharap ko sya ngayon baka nabatukan ko na naman sya. Nang-aasar na naman kasi.

"Oo! Napakalaki mong istorbo. Sige na, pupunta na lang ako dyan." Sabi ko saka pinatay ang tawag.

Muli kong tiningnan si Danisse na nag-aapply ng lotion. My gorgeous, sexy and beautiful wife. I walked towards her and hugged her from the back. I rest my head on his shoulder and watched her apply lotion all over her body. Nasa harap kami ng salamin kaya kitang kita ko ang bawat galaw nya. How she trace the smoothness of her body.

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon