C36

17K 293 3
                                    

Danisse's POV

After three weeks..

Mahigit dalawang buwan na mula ng ma-comatose si Stan at hanggang ngayon wala pa ding improvement sa kondisyon nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko para gumising sya. Idagdag pa ang madalas na pagkahilo ko dahil sa stress at pagod. Mabuti na nga lang hindi dumadagdag sa isipin ko ang Bernard na yun. Nagkukrus ang landas namin dito sa bahay pero hindi ko sya pinapansin. Lago ko din syang nakikita na nakatingin sa akin at nakangisi. So far, wala naman syang ginagawa na ikapapahamak ng asawa at mga anak ko. Nasa pangangalaga naman ni Mama ang dalawang bata kaya alam kong safe ang mga ito.

Nagpapahinga ako ngayon dito sa kwarto ni Stan nang biglang pumasok ang mom ni Stan.

"Pumunta ka sa study room. Pinapatawag ka ng Dad ni Stan." Seryosong sabi ng mom ni Stan.

Agad naman akong tumayo dahilan para mahilo na naman ako. Napahawak ako sa ulo ko.

"Bilisan mo."

Napatayo ako ng diretso nang magsalita si mommy Sonia. Bakit parang galit sya? Huminga na lang ako ng malalim saka sumunod sa kanya.

Ano kaya ang pag-uusapan namin?

Pagkapasok ko ng study room ay sumalubong sa akin ang matatalim na tingin ng Dad ni Stan. Naroon din si Bernard na nakangisi.

Anong ginagawa nya dito? Inirapan ko sya.

"Dad, pinapatawag nyo daw po ako."

Lumapit ako sa table nya. I sat on the couch near his table. Nakatayo naman sa tabi ng swivel chair na inuupuan ni Dad si Mommy Sonia. Matatalimang tingin nila sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Explain this, Danisse!!" Sigaw ni Dad kasabay ng pagtayo nya.

May mga tinapon si Dad sa table nya na papel. Kinuha ko ang isa sa mga papel at tiningnan yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang litrato namin ni Bernard na magkatabing nakahiga.

Nakapikit ako at yakap ako ni Bernard. I can't remember anything like this.

Kinuha ko pa yung ibang litrato at katulad ng nauna, mga larawan namin ni Bernard na magkatabi ang naroon.

"Mom.. Dad.. w-wala po akong alam dito!" Tiningnan ko sina Mom at Dad pero tanging galit ang nakita ko sa mga mata nila.

"Wag ka nang magsinungaling, Danisse! Bernard already told us everything!! Manloloko ka!! Sa pamamahay pa talaga ng anak ko ikaw nanlalaki!! ANONG KLASE KANG ASAWA?!"

Umalingawngaw sa buong silid ang boses ng ama ni Stanley. Napaluha na ako sa sobrang sama ng loob. Wala akong alam sa mga larawan na hawak ko.

Binalingan ko si Bernard.

"Sabihin mo sa kanilang walang namamagitan sa atin! Sabihin mo sa kanila ang totoo!!" I shouted at him pero ngumisi lang sya.

"I already told them the truth, Dani. I told them that you love me." Nakangisi nitong sabi.

Nanlisik ang mga mata ko na tumingin sa kanya.

"Sinungaling ka!! Sinu--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman kong may mainit na likidong lumabas sa pagkababae ko. Nang tingnan ko ang bandang baba ko ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

- - - - - - - - - - - - - -

Agatha's POV

Pupunta sana ako sa kusina nang marinig kong may sumigaw mula sa study room. Kung hindi ako nagkakamali boses yun ng Dad ni Sir Stan.

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon