GL_2
(HIDDEN FEELINGS)
——-
Rheema's POV
"Mama I'm home!" Ganito ako palagi kapag umuuwi, sumisigaw kapag papasok ng bahay. Sumilip ako sa kusina kung nandoon siya kaya lang wala, chineck ko din ang sala pati ang bakuran pero wala pa rin.
Hmm nasaan si Mom? Hindi ko siya makita. Umakyat na lang ako sa itaas at nagdiretso na lang sa kwarto niya. I was shock to hear her sobbing. Medyo bukas ang pinto kaya pumasok na ako at nakita ko siyang naka-upo sa kama.
"Mom? May problema po ba?" nag-aalala kong tanong.
"Rheema ang.. Lola mo... wala na siya." Tumulo ang mga luha sa mata ni Mom, hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung anong sasabihin ko to ease the pain. Niyakap ko na lang siya para kahit papaano nacocomfort ko siya.
"Alam na ba ito ni Dad?" lagi kasing wala si Dad sa bahay. Business matters. Nasa Singapore siya ngayon for exporting of products na nagmula sa mga kasosyo niya sa probinsiya.
"Oo baby, sinabi ko na rin sa Kuya mo."
"Ah mabuti naman po kung gano'n. Ano pong plano Mom?" 'yon na lang ang nasabi ko.
"We're leaving.... to see her" sagot niya.
"Eh?" bakit kailangan kasama ako? Hindi nga ako attached sa mga tao sa probinsiya at ang nakakalungkot pa doon, hindi ko man lang nakita si Lola noong buhay pa siya. Si Lola ay Mama ni Daddy pero si Mommy ang umiiyak at nagluluksa ngayon. Bakit? Kasi sa pagkaka-alam ko mas malapit si Mom at si Lola kesa kay Dad kahit na sarili niya iyong ina. Mas anak pa nga daw kung ituring si Mommy ni Lola kesa kay Dad, pero hindi ibig sabihin no'n ay p'wede ng hindi pumunta si Dad sa lamay o libing ni Lola.
"Ahm Mom paano po si Dad? Nasa Singapore siya."
"Hahabol na lang daw siya sa libing, kaya 'wag ka ng mag-alala anak," sagot ni Mommy. Sana nga makahabol si Daddy, alam kong masakit din ito sa part niya kahit hindi sila malapit sa isa't-isa.
-
Ang aga ko nagising ngayong umaga, nauna pa ko kay Mom at kay Kuya, Hindi naman ako mukhang excited? No'ng nagising si Mom naghanda na siya ng almusal at kumain naman ako. Matapos no'n naligo na rin ako at nagsuot ng simpleng blue jeans and white shirt.
Mga alas-otso ng umaga nagsimula na kaming bumiyahe. Kotse ni Kuya ang ginamit namin. Sa kadahilanang maaga ako nagising kanina, nakatulog tuloy ako sa biyahe.
Nagising ako no'ng tanghali na, huminto ang kotse sa tapat ng isang restaurant. Pumasok kaming tatlo doon at nag-order naman si Kuya. Tiningnan ko ang phone ko kung may nagtext kaya lang wala. So I compose a new message to inform my bestfriends and co-council that I'm out of town. After sending the text message I wait for our food to be serve.
Maya-maya lang dumating na ang waiter para i-serve yung mga inorder namin. Mukhang masarap ang Chili's Salsa at Bourbon Chicken, plus yung Fried Rice nila, mukhang mapaparami ang kain ko.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik at pagtapos ay sinerve naman nila ang desserts which is coconut cream pie and strawberry-cheesecake shake. Kada subo namin ni Kuya panay ang sabi namin ng "hmm ang sarap!" Hahaha kasi ang sarap niya talaga.
Bumalik na kami sa kotse pagkatapos namin kumain. I check my phone if may nagreply at meron nga. I received three messages.
From: Shantal
Mamimiss kita girl, ingat ka mwaaah :* By the way condolence.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...