GL_17
(FRIENDS BY HEART)
——-
Vee's POV
Naglalakad na ako palabas ng school dahil galing akong admin, inasikaso ko kasi 'yong sa scholarship ko (hindi nga kasi kami mayaman tulad ng mga friends ko!) Nang makita ko si Gelo at Rheema na parang may alitan, lumapit agad ako.
Habang papalapit ako ng papalapit sa kanila ay naririnig ko na ang pinagtatalunan nila, about pala sa meeting ng mga council. Magbaback-off na sana ako kasi it's not part of my business na kaya lang biglang sinampal ni Rheema si Gelo. Nanlaki ang mata ko at parang nag-init ang ulo ko. Anong karapatan niyang sampalin si Gelo? Kung nagpapaka-BITTER siya dahil naudlot ang so-called summer romance niya sa probinsiya ay huwag naman siyang mangdamay. Please lang! Hindi ako kumakain ng AMPALAYA.
Tuluyan na akong nasa harapan ni Rheema, katabi ko si Gelo at hinawakan ko ang kamay niya and I said to my dear-impulsive-friend na "Sa susunod girl, pwede kang magtanong sa co-council mo para naman alam mo 'yong totoong announcement okay? Hindi 'yang pinagdududahan mo ang sinabi sa'yo ni Gelo ngayon!"
Alam ko naman na hindi sinadya ni Gelo ang late na announcement patungkol sa cancelled meeting dahil pinaghandaan niya ang araw na ito. Magre-ready ba siya kung alam niyang maca-cancel naman 'di ba?
"Gelo, tara na!" at hinila ko na siya paalis sa kinatatayuan namin.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating namin ang garden ng school, umupo kami parehas sa bench na nandoon. Walang gustong magsalita sa amin kaya namayani ang katahimikan.
"Bakit mo naman ginawa 'yon?" panimula ni Gelo.
"Ang alin? Iyong nagsalita ako o iyong hinila kita o baka 'yong hinawakan ko ang kamay mo?" naguguluhan kong tanong. Para kasing may ginawa akong hindi tama sa tono ng pagtatanong ni Gelo sa akin.
"Lahat," matipid niyang tugon.
"Ge-Gelo? Hindi mo ba nakita 'yong ginawa niya sa iyo? Gelo oh come on! Nagmalasakit lang ako sa'yo. Hindi nga niya pinaniwalaan 'yong sinabi mo at nagawa ka pa niyang pagbuhatan ng kamay!"
"Galit lang siya kaya niya iyon nagawa," pagdedepensa niya.
"So pinagtatanggol mo pa siya sa kabila ng ginawa niya sa iyo?" naiinis kong tanong. Ako pa pala ang masama sa ginawa ko.
"I'm just trying to help you, to get rid of the situation. Pinapahiya ka na niya!" Kahit kasi bakasyon marami pa ring tao dito sa campus at kitang-kita ko na pinagtitinginan na sila ng mga tao kanina.
"It's none of your business Vee!" at tumayo siya mula sa kinauupuan niya.
"Of course it is! Your my f-friend, a best friend." Ayaw ko lang namang hinahayaan niyang tapak-tapakan siya ni Rheema. Importante sa kanya ang pride pero bakit parang pagdating kay Rheema handa siyang lunukin iyon?
"Exactly Vee, your just my friend! Nothing more, nothing less!" and he walks away from me.
Nakuyom ko ang papel na hawak ko dahil sa tindi ng inis at galit ko sa kanya. Ang dali lang para sa kanyang pagsalitaan ako ng ganoon? Matapos ng mga pangakong binitiwan niya noong araw na nagtapat ako ng nararamdaman ko sa kanya? Maybe he just said those words to comfort me that time,and he did not mean any word of it.
Can I stop loving you? Kung kaya ko lang sabihan ang puso kong huwag ng tumibok para sa iyo gagawin ko kaya lang hind e. It's not a decision to make, it's a feeling I need to surpass.
-
Rheema's POV
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...