Chapter 27 - (GOODBYE'S)

436 79 4
                                    

GL_27

(GOODBYE'S)

——-

Vee's POV

Ilang minuto na lang ang hinihintay namin bago ako tuluyang umalis. Nandito lang kami sa waiting area naka-upo. Pinagmamasdan ko lang si Mama habang nakasandal siya sa balikat ni Papa, pati na rin ang dalawa kong kapatid na kulang na lang ay magsapakan sila sa sobrang hyper sa paglalaro sa phone.

I can't help but to smile. Wala man dito ngayon ang mga girl friends ko pati si Gelo atleast nandito naman ang pamilya ko para sa akin. 

After a while nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. I need to pee. Nagpaalam lang ako kela Mama bago ako umalis baka kasi hanapin nila ako.

Lumiko ako sa isang hallway sa dulo dahil doon banda ang comfort rooms base sa mga direction. Habang naglalakad na ako sa hallway at malapit na ako sa end, bigla akong napahinto dahil sa nakita ko. May tatlong estudyante sa gilid na nag-uusap, they are wearing the Spring Heights Academy school uniform. One boy then two girls. Humakbang ako ng kaunti papalapit sa kanila at dahil doon biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 

My instinct is right.

Anong ginagawa nila dito?

"Veronica! Nasaan ka ba?"

Halos tumalon ang puso ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Kakaiba 'yong feeling. 'Yong pakiramdam na hindi ka na makahinga at parang may nakabara sa baga mo kaya hindi na dumadaloy nang maayos ang hangin.

"You really love her?" tanong ni Shantal na nakaside-view pero hindi niya pansin ang presensiya ko dahil nakapokus lang ang mata niya kay Gelo. Katabi naman niya sa kanan si Rheema na nakayuko lang at pare-parehas silang mukhang disappointed.

"I do love her! Shit ngayon ko lang narealize! Ang bobo ko. Inutil! Ngayong wala na siya!" sagot niya sa tanong ni Shantal.


Ako ba talaga ang tinutukoy nila? Tinutukoy ni Gelo?

Gusto kong umatras at tumalikod na lang. Maglakad palayo sa kanila at pabalik sa pamilya ko. Isipin ko na lang na hindi ko sila nakita, na isa lang 'tong imahinsayon, nagde-daydream ka lang Vee.     

Madali lang namang gawin 'yon e. Aalis ako at kakalimutan ko na lang na nakita ko sila dito sa airport para hanapin at puntahan ako. Madali lang 'yon kaya lang...  hindi ko kaya. Ni hindi ko nga mahakbang ang mga paa ko. I froze. Eyes widen, lips parted and without thinking I said his name.

"Ge-lo."

Dahan-dahan siyang lumingon. Dahan-dahan ding huminto ang paghinga ko ng ilang segundo.

"Vee!" mahina niyang sabi pero punong-puno ng excitement and at the same time longingness. Kitang-kita sa maamo niyang mata ang lungkot at tuwa dahil nakita niya ako.

He still handsome and extremely hot kahit bakas na sa mukha niya ang pagod. Halata namang galing pa silang school dahil hindi na sila nag-abala pang makapagbihis.    

Nagtama ang mga mata namin. Wala akong magawa na kahit anong reaction, nakatitig lang ako sa kanya na para bang siya lang ang nakikita ko. Sa mga pagkakataong ito wala na kaming pakialam sa nakapaligid sa amin. Wala na akong pakialam kung paano at kung saan nila nalaman na nandito ako, ang importante ay nandito na siya. 

He walk closer to me then hug me tight.

"Oh God! You're here. Vee I'm sorry. If it's because of me please don't leave," he said while breathing heavily.

I just bite my lips so hard and hug him back. Hindi niya alam kung gaano ko siya namiss, sa loob ng ilang linggong walang usap at wala man lang presensya niya. I missed his voice, his smile, his laugh. All of him.

Graveyard Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon