Chapter 13 - (I'M HIS MASTERPIECE)

642 106 11
                                    

A/N: At dhil mahal ko kayo ayan nag-update na kaagad ako. Hindi ko po inaasahan na dadami ang susuporta sa GL :) Thanks talaga dear readers. I love you all.


GL_13

(I'M HIS MASTERPIECE)

---

Rheema's POV

Kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa mga mata ko. He's smiling while cupping my face. Ang gwapo pa rin niya kahit halatang haggard na siya sa Hacienda.

"At dahil last day mo na ngayon, I'll make it special," ngiting-ngiti niyang sabi.

"A-anong gagawin natin?" curious kong tanong.

"Basta! You'll see." sagot niya.

Tumayo na siya at hinawakan ang kaliwa kong kamay, nagpatangay na lang ako hanggang sa makalabas kami ng barn.


Mahabang lakaran ang ginawa namin para makarating sa mansion nila. Tiis-ganda ang peg ko dahil hindi ko alintana ang init ng araw na tumatama sa balat ko. Bakit ba kasi wala man lang payong 'tong si Kurt, nakaka-imbyerna. Bumuntong hininga ako na napansin niya.

"Okay ka lang ba?" napatingin siya sa akin at napahinto kami pareho sa paglalakad.

Pilit na ngiti lang ang isinagot ko sa tanong niya. Tinaasan niya tuloy ako ng dalawang kilay niya na parang nagsasabing 'ano nga?'

"Ah kasi ano.. ang init," nag-aalangan kong sabi sa kanya. Tinanggal niya ang cowboy cap niya at inilagay sa ulo ko.

"Pasensya ka na, mahina kasi si Lucky ngayon kaya pinagpahinga ko na lang siya. Huwag kang mag-alala malapit naman na tayo," inakbayan niya ako at nagsimula na ulit kaming maglakad. Kawawa naman pala si Lucky, feeling sick.


Matapos ang mahabang alay-lakad na ginawa namin ay nakarating na rin kami sa mansion nila. I sigh heavily nang makita kong namumula ang balat ko. Well ganyan talaga pag mestiza. Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad niyang tinawag ang matandang babae na nasa veranda.

"Nang paghanda mo naman kami ng merienda, galing kasi kami sa Hacienda."

"Sige po Señorito," sagot ng matanda at nagpunta na siya sa kusina. Napataas ang kilay ko no'ng marinig ko ang salitang Señorito, wala lang napaka-tradisyonal.

Naupo ako sa antigo nilang upuan, hindi malambot ang upuan dito sa sala nila dahil wooden sofa siya, well-varnish pa nga eh. Pwede na kong manalamin sa sobrang kintab.

"Maiwan na muna kita diyan Singkit, I'll get my tools lang," pagpapa-alam ni Kurt.

"Tools?" tanong ko.

"Yup, basta upo ka lang diyan," at tinalikuran na niya ako para umakyat siguro sa kwarto niya. Ano naman kayang binabalak no'n? I'll wait for him na lang. Napangiti ako nang maalala ko 'yong sinabi niya kanina na he'll make my last day special. Pero hindi naman talaga ito ang last day ko dito dahil may balak akong bumalik next week. Pag natapos na ang Strat Plan at makapag-enroll na ako. Babalik ako dito dahil may two weeks pa naman kaya susulitin ko na talaga.


Tahimik lang akong naka-upo habang pinagmamasdan ang buong mansion nila, wala na naman si Hector? Hindi ko kasi nafefeel ang presensiya niya. Tumayo ako at humarap sa malaking salamin na nakatayo sa gilid, chineck ko lang ang itsura ko at ayun maganda pa rin. Singkit pa rin ako. Napalingon ako nang may marinig akong kaluskos.

"Kayo pala Manang," sabi ko. Nilalapag niya sa table ang juice at isang uri ng pagkain na hindi ko ma-identify kung ano. Lumapit na lang ako sa kanya at hinawakan ko ang medyo pabilog na kakanin at may butter sa taas.

Graveyard Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon