GL_12
(BAD NEWS)
---
Gelo's POV
"Where is Ms. Abellana?" mataray na tanong sa akin ni Miss President.
"She's out of town. Alam niyo naman na namatay ang Lola niya 'di ba?" medyo naiinis kong sagot sa kanya. Kanina pa kasi siya nagtatanong kahit alam naman niya na nasa Leyte pa si Rheema.
"So kailan niya balak bumalik? Baka nakakalimutan niya madami siyang trabaho na naiwan. Another thing, may general meeting tayo sa susunod na araw, all officers are obliged to attend!" Napabuntong hininga na lang ako, kahit kailan talaga ang init ng dugo niya sa Legal Consultant. Sa kabilang partido kasi galing tong si Miss Chloe (the President) na kinalaban ng partido nila Rheema noong nangampanya sila.
At kung nagtataka kayo kung anong ginagawa ng gwapong nilalang na tulad ko dito? Ganyan talaga! Kahit heartthrob may sense of leadership din, kahit na hindi ganoon kataas ang section na kinabibilangan ko. I'm the Acting President of Comelec. Ang comelec ay binubuo ng mga officer from different organization at galing ako sa Literatura Organization.
"Gelo, tawagan mo na lang si Rheema right after the meeting," pabulong na sabi sa akin ni Jordan dahil siya ang katabi ko. Si Jordan ang Auditor ng Supreme Student Council.
"Oo 'yon nga ang gagawin ko," sagot ko sa kanya.
May tiwala ako sa credibility at sense of responsibility ni Rheema kaya umaasa ako na kapag tinawagan ko siya hindi siya magdadalawang isip na umuwi na dito sa Manila. Importante sa kanya ang makabilang sa Student Council kaya alam ko na hindi niya hahayaang mawala ito ng basta-basta dahil napakaraming hirap at pagod ang pinuhunan niya rito.
"Mr. Augustin, alam mo naman na nasa By-Laws natin na kapag hindi nakapunta ang elected officer sa gaganapin na Stategic Planning ay automatic na matatanggal siya sa posisyon, diba?" sabi ni Miss President habang nakatayo sa harapan at nakapamewang na nakatingin sa akin.
"I know, nagbabasa ako ng By-Laws kaya hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan sa akin," naiirita kong sagot sa kanya, at naramdaman ko naman na lahat ng mata ng officers ay nakatingin sa akin. Bakas sa mukha nila na nagulat sila sa pagsagot ko. Wala kasing naglalakas ng loob na sagutin si Chloe ng kahit sino sa kanila bukod sa akin.
"Then good. Nililinaw ko lang," taas-kilay niyang sagot sa akin. Pinagpatuloy na niya ang pagdidiscuss ng plano para sa Strategic Planning na gaganapin din naman dito sa school.
Matapos ang dalawang oras na pakikinig sa kanya ay narinig ko na rin ang pinakahihintay kong sasabihin niya "Meeting adjourned. See you on the next day."Halos sabay-sabay kaming tumayo at lumabas sa office, kanina pa ko inip na inip sa loob.
Naglakad ako palabas ng Building A, paliko na sana ako sa exit nang bigla akong napahinto dahil sa nakita ko. Nakatayo sa hallway ang isang babaeng naka-jeans at naka-polo na red. Naglakad ako papalapit sa kanya.
Nag-text kasi ako na sabay na kaming umuwi dahil sandali lang naman siya sa Admin, may binayaran lang. Hindi ko naman inasahan na mapapatagal pala ang meeting namin, ayan pinaghintay ko pa tuloy siya.
"Kanina ka pa dito?" tanong ko.
"Ahm, slight. Tagal ng meeting niyo e," sabi niya.
"Oo nga e, alam mo naman 'yon si Chloe," classmate kasi nila si Chloe.
"Ay nako sinabi mo pa. So anong nangyari?" pag-uusisa niya. Kinuwento ko naman lahat ng napag-usapan sa meeting habang naglalakad na kami palabas ng school.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...