Chapter 14 - (WAY OUT)

717 102 8
                                    

GL_14

(WAY OUT)

——-

Rheema's POV

"It's done."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Na-speechless ako sa painting na ginawa niya. It's perfect. Tama lang ang mga curves at lines. Maganda ang combination ng mga colors. Kamukhang-kamukha ko talaga.

"Thank you. It's.. it's GREAT," napahinto pa ko sa sasabihin ko dahil hindi ko talaga alam ang tamang word para sa napakaganda niyang obra maestra.

"Did you like it?" tanong niya.

"Oo naman," nakangiti kong sagot.

"Mabuti naman at nagustuhan mo," tumayo siya sa kinauupuan niya at humarap sa akin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tumingin sa mga mata ko. I suddenly tense up.  

"I'll wait for you Rheema. Handa akong maghintay sa pagbabalik mo," kumakabog na naman ang dibdib ko. Palakas ng palakas. Hindi ko na na-manage ang sarili ko na magsalita kaya isang simpleng ngiti na lang ang isinagot ko sa mga sinabi niya.

"Don't worry I'll visit you some other time. May mga pagkakataon kasi na lumuluwas kami ni Papa sa Manila at mukhang mapapadalas pa iyon dahil magkasosyo na ang pamilya natin," pagpapaliwanag niya. He lean closer to me, he let go of my left hand to slightly touch my cheeks and because of that I froze. Then he slide his hand in my hair. Tuck some strands in my ear.

I breath deeply before I speak.

"Promise mo yan ha?" I want him to reassure me.

"Promise," matipid niyang sagot. It's just one word but it really made all things much easier. Hindi na ko mag-aalala kahit na magkalayo kami dahil I know for sure na gagawa siya ng way to be with me. I trust his word. I trust him wholeheartedly.

Akmang hahawakan ko na sana ang kamay niya na nasa pisngi ko nang may magsalita.

"Ahem," napalingon kami pareho ni Kurt nang marinig namin ang boses ng isang lalaki. May katangkaran siya at moreno. Naka-jeans at simpleng yellow shirt siya. Hmm panira ng moment si Kuya. 

"Ikaw pala Rusty," sabi ni Kurt. Lumayo na siya sa akin at lumapit sa lalaki.

"Di mo sinabi sa akin na may bago ka na pala," medyo may talim 'yong pananalita ni Rusty. Don't tell me nagseselos siya. Nanlaki ang mata ko sa idea na naisip ko. Hindi kaya? Bakla si Kurt? Natawa ako ng mahina sa kabaliwang iniisip ng mga brain cells ko. Pero kidding aside, based sa sinabi ni Rusty na 'may bago ka na pala' meaning to say may luma? Hay ano ba tong iniisip ko!

"Ah si Rheema 'to, kapatid ni Raynan." Tumingin sa akin si Kurt at kusa na kong lumapit sa kanila.

"Rheema," sabi ko kay Rusty at nilahad ko ang kamay ko para makipag-shake hands. Wala namang pag-aalinlangan niyang shinake hands ang kamay ko.

"Rusty nga pala, tropa ako ni Kurt pati na rin ng Kuya mo," seryoso niyang sabi. 

"Ahh, " ito na lang ang nasabi ko dahil hindi ko siya feel. Parang kakaiba ang aura niya na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko hindi niya gusto ang presensiya ko.

"Bakit ka pala napadaan Bro?" maayos at nasa magandang tono ang pagtanong ni Kurt sa kanya ngunit sumagot ito sa malamig at hindi mawari na tono.

"Ahm, sa labas na lang tayo mag-usap," at naglakad na palabas 'yong Rusty. Okay I get it. Kailangan nila ng privacy. 'Yong silang dalawa lang ang mag-uusap at hindi ako nakikinig.

Tumingin ako kay Kurt at nagsalita "Dito na lang ako sa loob. Okay lang," ako na ang nagsabi ng dapat niyang sasabihin.

"Sige." kibit-balikat niyang pagsang-ayon at naglakad na siya palabas. Nagtungo na lang ako sa mga painting tools niya dahil ako na lang ang magliligpit habang may kausap pa siya.

Graveyard Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon