GL_21
(FLY AWAY 2.0)
---
Kurt's POV
Maaga akong nagising para mag-asikaso sa tribute ni Lizie. Nilabas ko lahat ng mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya, lahat ng mga picures namin, letters niya sa akin at mga remembrance niya sa akin. Sinabihan kasi ako kahapon ni Rusty na ididisplay ang mga ito sa altar doon sa event place.
Matapos kong mapagsama-sama lahat ng mga valuable things na punung-puno ng memories namin ni Lizie ay lumabas na muna ako ng mansion namin. Bumibigat kasi ang pakiramdam ko, bumabalik lahat ng alaala. Lahat. Masaya man o malungkot.
Naglakad ako papuntang open field ng hacienda. 'Yong makikita mo ang lawak ng lupain ng mga Herson. Ilang daang hektarya ng lupa rin ito.
Malalago ang mga puno dito kaya sumilong ako sa puno ng balete, ang punong madalas naming pagpahingahan ni Lizie noon.
Napansin ko ang naka-ukit na initials namin.
LN <3 KH
Hinaplos ng mga daliri ko ang naka-ukit sa puno habang nakapikit at hinahanap ang aking peace of mind.
Nasaan ka na ba? Hindi ko alam kung ibabaon na kita sa limot o maghihintay pa rin akong babalik ka at tutuparin natin ang pangako natin sa isa't-isa.
Pero Lizie... sana palayain mo na ako sa nakaraan.
Gusto ko ng maging masaya kasama si .. Rheema.
Kung nasa langit ka na ngayon... siguro nga mas gugustuhin mong maging masaya ako sa piling ni Rheema kaysa habang buhay sisihin ang sarili ko sa nangyari.
Kailangan kong patawarin ang sarili ko sa mga nagawa ko noon para makapagpatuloy ako sa buhay ko ngayon. I will free myself from the past but you will always be a part of me Lizie. Oo, magmomove-on ako pero hindi ibig sabihin no'n mawawala ka na dito sa puso ko. You'll always here in my heart. As a special friend.
Bigla namang tumaas ang balahibo ko sa pag-ihip ng malamig na hangin. Napatingin ako sa paligid. Hindi ako naniniwala sa multo pero sa tingin ko nandito si Lizie ngayon, kasama ko.
Makalipas ang halos thirty minutes pakiramdam ko okay na ako. Handa na akong pumunta sa tribute niya. Naglakad na ako pabalik sa mansion at kinuha ko lahat ng gamit na nasa kama ko. Nagtaka pa ako no'ng una dahil medyo naging makalat. Hiwa-hiwalay na ang mga letters at pictures namin pero hinayaan ko na lang, baka pinake-alaman ito ni Hector kanina. Nilagay ko sa isang kahon lahat at binitbit ko na ito
Palabas na sana ako ng room ko ng may masipa akong isang bagay. Tumingin ako sa paahan ko at nakita ko ang isang heart shape na box, maganda ang pagkakadecorate nito.
"Tsss kay Hector siguro ito. Bigay na naman ng mga babaeng naloloko sa kanya."
Pinulot ko na lang ang box at nilapag sa mini-table sa loob ng kwarto saka ako lumabas. Nagdiretso ako sa parking lot ng Hacienda dahil gagamitin ko ang kotse ko. Pumasok na ako sa loob pero bago ko i-start ang kotse tumingin muna ako sa phone ko at tinitigan ang picture namin ni Rheema. She's so beautiful and I can't wait to see her again. I don't know what they are called, the spaces between seconds-but I think of her always in those intervals. I miss her.
I was about to call her nang biglang tumawag si Rusty.
"Magsisimula na. Nasaan ka na?" tanong ng baritono niyang boses.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Novela JuvenilFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...