Chapter 29 - (BE WITH HER)

378 76 16
                                    

A/N: Notice! May SPG po ng konti sa chapter na ito. Sa mga minor 'wag niyong tapusin ang pagbabasa sa chapter na 'to kung ayaw niyong makonyatan :D


GL_29

(BE WITH HER)

---

Kurt's POV

Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Maingat akong tumayo ng kama para hindi magising si Lizie, tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap sa akin. Bago ako lumabas, sinilip ko muna ang prinsipe ko, Richard Leiron pala ang full name niya.

Wala pa akong alam sa pagiging ama, pero sinisigurado ko, I will do my best to show them that I can be a good Dad. Kinarga ko si Baby Lei, tulog pa rin siya.

"Hindi ko man nasaksihan ang pagsilang sa'yo ni Mommy, pinapangako ko namang masasaksihan ko ang paglaki mo. I love you Baby," bulong ko sa malambot niyang tenga, then I kiss his forehead.

Ibang-iba ang saya na nararamdaman ko ngayon, nakakarelax pagmasdan si Baby.

"Sleepwell," bulong ko sabay halik sa pisngi nito.

Dahan-dahan ko siyang binalik sa crib niya saka ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Nagdiretso ako sa kusina para tingnan kung ano ang pwede kong mailuto para sa mag-ina ko.

Mag-ina ko.

Nakakapanibago pa rin sa pandinig ko ang salitang 'yon. Parang kahapon lang binata pa ako, samantalanag ngayon hindi na. Akalain mo 'yon. Napapangiti na lang ako sa mga naiisip ko.

"Oh gising ka na pala," sabi ni Shane pagkalabas niya ng banyo.

"Ah oo, may pupuntahan pa kasi akong client, but before that I want to cook something for Lizie."

"Sige tingin ka na lang sa cabinet o sa ref ng pwede mong mailuto."

"Sure, by the way.. thank you for taking care of Lizie," seryoso kong pasasalamat sa kanya.

"No problem," sagot niya bago pagpatuloy sa kwarto niya.


Nasabi na sa akin ni Lizie kagabi ang buong nangyari bago kami matulog. After the plain crash, lahat daw ng survivor ay dinala sa malapit na ospital at lahat ng gamit niya ay kasamang nasira sa eroplano, pati ang idetification card. Kaya ng dinala siya sa ospital hindi malaman ng Doktor kung sino siya, saka hindi siya makausap ng maayos dahil sa trauma na dinanas niya sa trahedya. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi siya natunton ng awtoridad.

No'ng malaman niyang nagdadalan-tao siya, biglang bumalik siya sa katinuan at ang unang kinontak niya ay si Shane. Pinuntahan daw siya ni Shane sa ospital at dinala dito sa bahay na ito. Napagpasyahan nilang dito muna si Lizie hanggang sa manganak siya at mapalaki niya ang bata.


May nakita akong pancake sa loob ng cabinet, kinuha ko ito.

"Ito na lang, hindi naman mahilig sa heavy breakfast si Lizie."

Nagsimula na akong magluto ng pancakes nang maisip kong paano si Baby Lei? Ano bang piapakain sa kanya sa umaga? Of course, milk, pero ano bang milk niya? Hindi pa ba siya ng ce-cereals? Three-months na si Baby Lei.

Habang nakasalang sa frying pan ang pancake, nagtingin-tingin ako para sa bottled milk ni Baby Lei at nakita ko iyon sa gilid. Pinagtimpla ko siya ng gatas at kape naman para kay Lizie.

Nang matapos na bumalik na ako sa loob ng kwarto.

Tumabi ako sa pagkakahiga ni Lizie. "Wake up my Love, the breakfast is ready," malambing kong bulong sa kanya.

Graveyard Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon