GL_36
(GIRL FIGHT)
---
Rheema's POV
The engagement party is tonight. Bakit ba invited pa ako? Hindi ba sila nag-iisip? Arg! Bahala sila sa buhay nila, hindi ako pupunta. Ano ako masokista? Ang sakit na ngang malaman na ikakasal sila tapos gusto nila masaksihan ko pa. What the?
"Psh!"
Pero sa tingin ko masokista nga ako, you know why? Dahil nandito lang naman ako sa Facebook Group na ginawa ng kung sino man at puro mukha ni Kurt at Lizie ang nakikita kong pictures. Ito ata ang mga shots nila noong nagpre-nuptial sila. Hmmm, bagay nga sila sa isa't-isa. Napatitig ako sa isang picture na kasama nila ang isang baby, siguro ito ang anak nila.
Hindi naman niya kamukha si Kurt... parang hawig ang mata niya kay Kuya. Ewan, napansin ko lang.
Maya-maya may nagpop-out na notification.
You are cordially invited to engagement party of Mr. Herson and Ms. Nagtahan, tonight at H2o Hotel. You will witnessing the unending love of...
Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa dahil galit na galit ko ng pinress ang decline button. Napabuntong hininga pa tuloy ako.
"So what can you say Ms. Abellana?"
Napahinto ako sa pagpe-facebook ng tawagin ang pangalan ko ni Miss Minchin, ay este ni Miss Chloe.
"Ahmm.. ha? Ano 'yon?" tanong ko habang nakatingin sa mataray niyang mukha.
"You are physically present but mentally absent! Try mo kayang makinig sa pinagmi-meetingan natin 'no? So I am asking kung may masasabi ka about sa ibinigay kong duty sa'yo."
"Gelo, ano ba 'yung duty ko?" pabulong kong tanong sa kanya dahil katabi ko siya.
"Tayo ang magpartner sa pagbili ng mga materials bukas."
"Ah, okay. Thanks."
"Wala naman, I'm good. Bibili kami ni Gelo ng materials tom, so I'm cool with that," sagot ko at pilit na ngumiti. Pinagpatuloy naman niya ang pagdidiscuss.
Since end of the month na, kinakailangan na naming magready para sa next month which is the August month. Buwan ng wika kaya bibili kami ng mga kailangang materials for decoration at para na rin sa mga contest.
Makalipas ang twenty minutes natapos din ang meeting. Nagpaalam na lang ako kay Gelo at sinabing bukas magkita kami sa mall ng one pm. Saturday bukas, walang pasok.
-
Kinabukasan.
Nagpunta na ako sa mall, sa oras din ng napag-usapan namin ni Gelo. I texted him when I'm on my way na at sinabi naman niya na malapit na rin siyang makarating sa mall.
Nagtingin-tingin muna ako ng mga crafts sa papemelroti dahil gustong-gusto ko talaga ang mga gamit doon, but then may nakita akong isang frame saying: I know I am strong to handle the pain but .. it doesn't mean I deserve it.
I'm a tough woman, I guess. And yeah, I'm strong dahil kinaya kong i-accept ang nangyari but it doens't mean I deserve it. What if, I really deserve him? Natatawa na lang ako sa iniisip ko, deserve him? E na-engage na nga sila. Wala ng paraan pa para maging akin siya.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...