Chapter 5 - (BASTA DRIVER, SWEET LOVER)

933 128 41
                                    

GL_5

(BASTA DRIVER, SWEET LOVER)

  ——-

Rheema's POV

Mourning. Yeah as in mourning dahil ngayon na ang libing ni Lola. Tumayo na ako sa kama at nagdiretso sa banyo para maligo. Matapos kong maligo nagsuot lang ako ng simpleng white dress na hanggang tuhod ang haba at sleeveless.

Bumaba na ako para makapag-almusal.

"Rheema anak, bilisan mo ang kilos mo pupunta na tayong sementeryo. Nandito na rin pala ang Daddy mo," sabi ni Mom habang pinaghahandaan ako ng makakain.

"Okay Mom."

Mabuti naman at nakapunta si Daddy. Nagsimula na akong kumain ng pancakes at uminom ng gatas. Hindi naman ako ganoon katagal kumain pero bakit parang iniwan na ako nila Mommy. Naglaho na siya dito sa kusina.

Lumabas na lang ako ng mansion para hanapin sila Mommy dahil nga sa kotse ako sasakay, but sad to say hindi ko sila makita. Ayaw kong isipin na iniwan na nila ko pero parang kailangan ko na atang tanggapin na umalis na talaga sila.

I'm starting to cuss now. Nakakabadtrip! Ayaw kong sumabay sa iba dahil 'di ko sila kakilala. Hay.

"Hey!"

"Ay multo!" pasigaw kong sabi dahil biglang sumusulpot 'tong isang to.

"Bakit ka nag-iisa?"

"Ahm, actually di ko rin alam kung bakit," masungit kong sabi sa kanya dahil nga badtrip ako. Wala ako sa mood maging mabait.

"Hmmm badtrip?"

"Yeah."

"Oh I see.  Tara na! Sa akin ka na lang sumabay kasi halata namang 'yon ang kinababadtrip mo."

"Eh? How did you know? Ikaw na ba si Stalker the second?"

"Haha ang weird mo. Kanina pa kasi kita pinagmamasdan at nakakatuwa ka pa lang mainis," patawa-tawa niyang sabi. Hmm mas gwapo siya pagtumatawa.

"Nge?" nahiya naman ako doon. Compliment bang matatawag 'yon? Bakit ko ba kasi siya sinungitan hay nakokonsensya tuloy ako. Hayaan ko na nga, 'di ko naman siya pinilit na tulungan ako.

Naglakad na kami papunta sa kotse niya at namangha naman ako. Ang ganda mukhang brand new, pumasok ako at umupo sa back seat at siya naman sa driver seat.

"Psssst!"

Tumingin tingin ako sa paligid para tingnan kung sino yung sumitsit.

"Pssst ako ang sumisitsit sayo!" Dumiretso ang tingin ko sa harapan. Si Kurt pala.

"Ay ikaw pala Kurt. Bakit?"

"Sit down here," sabay palo niya sa upuan na katabi ng driver seat. Tsk, ang arte ng lalaking 'to gusto pa ata katabi ako. Tsk! Sinamaan ko na lang siya mg tingin.

"Oy ayaw ko lang magmukhang driver mo 'no, kung anu-ano iniisip mo dyan. Come here."

"Okay! Reasonssss!" Maarte kong sabi bago lumabas na ng kotse niya at pumasok ulit sa pinto sa harapan.

"Better," sabi niya pagka-upo ko. Ang lapad ng ngiti niya sa akin mabilis tuloy nag-iba ang emosyon ko. Its kinda awkward.

Bakit ganito ang pakiramdam, hindi ako mapakali. Hindi ito dahil sa libing ni Lola, I knew it. Maybe its because of this guy next to me? Ang lakas ng heart beat ko to the point na nanginginig na yung kamay ko. Baka masyado lang malakas ang aircon?

"Are you okay? You're trembling," may pag-aalala sa boses niya. Inihinto niya muna ang kotse sa gilid ng kalsada para tumingin sa akin.

"Ahm y-yeah I'm okay."

Graveyard Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon