Chapter 6 - (A DAY WITH HIM)

926 126 23
                                    

GL_6

(A DAY WITH HIM)

 ——-

Kurt's POV

Pagkatapos ng libing kaninang umaga ay umuwi muna ko para pakainin si Lucky, ang paborito kong kabayo. Matapos no'n ay nagpunta na ko dito kela Rheema dahil nga gusto kong makapag-usap pa kami ng matagal-tagal kaya lang mag-gagabi na at hindi ko pa rin siya nakikita. Ayaw ko namang itanong kay Raynan dahil baka iba isipin niya.

"Kurt, ikaw na."

"Ah salamat," ininom ko na ang alak na inabot sa akin ni Rusty. Isa sa mga barkada namin ni Raynan.

"Oh ikaw naman na Pao," sabi ko sa isa naming ka-inuman. Kaswal lang naman 'tong inuman namin, hindi naman kami tulad ng mga tambay dito na ginagawang tubig at kape ang alak.

"Ow?" sabay-sabay naming sabi ng biglang dumilim ang buong paligid. Tsk brown-out. Minsan talaga may rotating brown out dito sa lugar namin.

"SHIT!"Nagulat naman kaming lahat ng biglang magsalita si Raynan ng gano'n.

"Bakit bro? 'Wag mong sabihing takot ka sa dilim? Hahaha," pilyong pang-aasar ni Pao. Ako naman tumingin lang ako sa mukha ni Raynan.

"Gago manahimik ka na lang!" galit ang boses ni Raynan. Bakit kaya? Okay naman kami kanina.

"May problem ba Bro?" nag-aalalang tanong ni Rusty. Hindi naman kasi ganoon si Raynan, kaya halata na may hindi magandang nangyayari.

"Give me a flashlight. FASTER!" Natataranta na siya. Sabi na may hindi magandang nangyayari.

"Phone mo na lang Raynan, wala kaming mga flashlight na dala," maayos na sagot ko sa kanya.

"OH GHAD! WHAT THE F*CK" pagkasabi niya no'n bigla na lang siyang tumayo at halos tumatakbo na siya papasok sa mansion. Napatayo na rin ako para sundan siya.

"Naalala ko, sira nga pala ang phone ni Rheema. Ibig sabihin wala siyang pang-ilaw ngayon. Sh*t bakit ngayon pa!" Sabi niya sa akin nang magkatapat na kami habang nagmamadali sa pagtakbo.

"Ano bang nangyayari Bro? kinakabahan na rin ako eh," sa totoo lang kinabahan na talaga ako nang malaman kong kasama na si Rheema sa sitwasyon na 'to.

"May phobia si Rheema sa dilim to the point na hindi na siya makakahinga sa sobrang takot and it will lead to a heart attack" nanginging na sabi niya.

I don't know how to react after hearing those words. All I am thinking right now is that I need to save Rheema. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko kapag may mangyaring hindi maganda sa kanya. 

"Kung ginagago ka nga naman! Asan na ba 'yong kwarto ng kapatid ko?" naiinis na niyang sabi habang hinahanap namin si Rheema sa ikalawang palapag ng bahay. Tsss bakit ba kasi ang daming kwarto ng mansion na 'to. 

"WAAAH!"

"SI RHEEMA 'YON BRO!" pasigaw na sabi ko kay Raynan.

"OO NGA! LET'S GO! DOON SA 2ND TO THE LAST ROOM, DOON NANGGALING YUNG SIGAW NYA!"

Mas lalong bumilis ang takbo namin ni Raynan pero wala pa ring tatalo sa bilis ng tibok ng puso ko. Lakad-takbo lang kami hanggang sa makarating na kami sa kwarto niya.

Nakita agad naming siya na naka-upo sa sulok habang umiiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Rheema, I'm here. 'Wag ka ng umiyak ha?" hinaplos-haplos ko pa ang likod niya para tumahan siya.

Tumingin ako kay Raynan habang yakap ko si Rheema, may bakas ng pagkabigla sa mukha niya pero nagsalita pa rin ako.

"Ako ng bahala sa kanya, dalhin ko muna siya sa hacienda Bro. Panigurado hindi naman brown-out doon. Don't worry I can handle it."

Graveyard Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon