GL_23
(BACK TO SCHOOL)
——-
Rheema's POV
Kriiiing! Kriiiing!
Isa-isang nagsi-alisan ang mga estudyanteng nakakalat sa school grounds dahil start na ng mga classes, samantalang ako kakapasok ko pa lang ng gate ng school.
Pinagmasdan ko ang paligid at masasabi kong nakakamiss pa lang maging estudyante. Naglakad na ako papuntang announcement board na nasa pathwalk para makita ko kung sino-sino ang mga classmates ko, though alam ko na ang section ko no'ng nag-enroll ako on-line.
Tiningnan ko ang pinaka-unang papel na nakapaskil dahil for sure iyon ang section 1. Natuwa ako ng madaanan ng mata ko ang mga names ng mga friends ko, classmates ko pa rin sila Vee at Shantal. Patalikod na sana ako ng mahagip ng mata ko ang familiar na surname sa ilalim ng surname ko.
Abellana followed by Augustin.
Napabuntong hininga ako dahil sa kasamaang palad naging classmates ko pa siya.
Si Gelo Augustin.
Wala naman na akong magagawa kaya naglakad na lang ako paakyat sa Building C at dumiretso sa room 401. Kahit kanina pa nagbell ay di pa rin ako nagmamadali sa paglalakad. Feel na feel ko kasi ang uniform ko at ang backpack na binili namin ni Shantal last week. Ayaw ko rin naman kasing hingalin at pagpawisan kaya dahan-dahan lang ako sa pag-akyat sa fourth floor.
Ilang hakbang na lang ang layo ko sa room namin kaya rinig ko na ang ingay nila. For sure wala pa ang adviser namin sa loob. Sinalubong agad ako ni Shantal pagkapasok ko ng pinto. We hug each other tightly.
"I like your hair," papuri niya sa buhok ko nang bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin. Nakafish tail kasi ang buhok ko ngayon kaya napansin niya.
"Ow thanks. Kanina ka pa?" tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa vacant seat sa likod.
"Medyo. Hmm, how are you?"
"Magsisinungaling ako kung sasabihin ko sa'yong okay na ako," then I gave her a faint smile.
"Yeah, you're right. Hay ano ba naman ako tatanong ko pa e obvious na nga. Aist common sense nga Shantal!" sabi niya sa sarili niya. Natawa tuloy ako ng kaunti.
"By the way, wala pa si Vee?" tanong ko.
"May nakita ka na bang Vee dito sa room?" pamimilosopo niya.
"Wala," sinagot ko naman ang pamimilosopo niya.
"So meaning to say wala pa siya," taas kilay niyang sabi.
I just chuckle then umupo na ako sa vacant seat dito sa bandang likuran. Magso-sound trip na sana ako dahil wala pa si Ma'am nang may pumasok na payat at matangkad na babae sa room.
"Good morning class!" bati niya. Arg, siya na ata ang adviser namin. Binalik ko na lang ang phone at earphones ko sa bag ko. Tumayo kaming lahat at binati din siya ng good morning.
"We will arrange your seats alphabetically. Okay? So as I call your name, come in and sit down."
Nagsilabasan na kami ng classroom para kapag tinawag kami papasok na lang kami sa loob. Pagkalabas ko, sumandal lang ako sa corridor at humalumbaba lang doon.
"Miss Abellana," napa-angat ako ng ulo ko no'ng tinawag na ako ni Ma'am. Pangatlo ako sa mga may surname na A. Kilala ko na kung sino makakatabi ko. Pumasok na ako sa loob at umupo sa first row, second column.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...