GL_28
(SHE'S ALIVE)
——-
Kurt's POV
"Lizie?" pag-uulit ko sa pangalan niya. Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam ko kung sino si Lizie. This time I'm very certain that it's her. I knew every details of her especially the physical features.
"So-sorry, hindi ako si L-Lizie," nauutal niyang sagot, may tensyon at kaba sa ikinikilos niya.
"It can't be. Lizie ikaw yan! Buhay ka, I can't believe this. This is real!" I exclaimed with enthusiasm. Halo-halo ang nararamdaman ko sa oras na ito. Natutuwa akong makita siyang buhay at nasa maayos na kalagayan ngunit may takot at pagtataka dahil sa mga sinasabi niyang hindi raw siya si Lizie.
"Lizie, It's Kurt. Hindi mo na ba ako naaalala? Bakit anong nangyari sa'yo?" nag-aalala kong tanong, napahawak pa ako sa braso niya.
"I don't know who you are, Sorry I have to go," tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at mabilis akong tinalikuran. Naglakad siya papunta sa parking lot at sinundan naman siya ng isang matandang babae na may dala ng mga pinamili nila.
Napatulala na lang ako.
Kaharap ko si Lizie Nagtahanan kani-kanina lang, at naka-usap ko pa siya. Nananaginip ba ako? Pero bakit 'di niya ko nakikilala? Totoo bang hindi niya ako kilala?
Natatanaw ko pa si Lizie kasama ang matanda na palayo sa akin. Nakatingin ako ng matagal sa kanila bago ko mapagtantong kailangan ko pala siyang sundan.
Tinakbo ko ang parking lot para maabutan ko pa sila roon pero dahil minamalas ako, paalis na ang kotse nila.
"Shit!" bulalas ko. Dali-dali kong kinuha ang susi ng kotse sa bulsa ng slacks ko at agad na nilusot sa keyhole. Pumasok ako sa loob at mabilis kong binuhay ang makina. Kinabig ko ang manibela para masundan ko pa sila.
Mabuti na lang at hindi mabilis magmaneho si Lizie, nasa likod na ako ng pulang kotse niya, at sa tingin ko hindi nila pansin ang pagsunod ko.
I need to talk to her kahit napakalayo pa ng pupuntahan namin, I need an answers sa mga katanungan ko. Kung buhay siya bakit hindi niya naisipang umuwi, bakit hindi siya bumalik? At bakit hinid niya ako naki...ki-lala?
Napa-isip ako sa ideya na... baka.. nagkaroon siya ng amnesia? 'Di kaya?...
Kung oo ang sagot sa tanong kong ito, mas kinakailangan ko siyang maka-usap. Ako ang mag-uuwi sa kanya sa Leyte, hindi man nagawa iyon ng mga awtoridad noon, at least alam kong magagawa ko iyon ngayon.
She's just meters away from me pero pakiramdam ko mawawala ko na naman siya.
-
Huminto ang kotse nila sa isang maliit na bahay, nasa loob ito ng subdivision. Sa kabilang kanto ako nagpark ng sasakyan ko, mina-manmanan ko lang ang bawat kilos nila. Pinagmasdan ko ang kilos ni Lizie, para siyang natataranta, mula sa pagbaba ng kotse at pagbitbit ng mga pinamili nila hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay.
Saka lang ako lumabas ng kotse ko nang masigurado kong nasa loob na si Lizie. Naglakad ako papunta sa gate ng bahay at nakita kong hindi ito naka-lock kaya pumasok na din ako.
May kaba akong nararamdaman, hindi ko alam kung bakit pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Uneasiness. Uncomfortable.
Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makapunta ako sa back door, alam kong may back door ang lahat ng bahay kaya minabuti kong doon na lang dumaan. Pagkapasok ko may narinig akong mga boses na nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...