Chapter 39 - (WONDERFUL NIGHT)

392 60 1
                                    

GL_39

(WONDERFUL NIGHT)

---

Rheema's POV

"Dito na lang ho Ma'am, may concert po ata. Maraming tao, 'di na tayo makakadaan."

"Ganoon po ba Manong, ano ba yan. Tsk."

"Pasensya na po."

"Hindi, okay lang. Manong ito po bayad, keep the change."

Lumabas na ako ng taxi ni Manong at tumingin sa paligid. Ang daming taong naglalakad, hindi ko siya makita. Naglakad-lakad ako pero 'di ko pa rin siya makita. Hanggang sa lakad-takbo na ang ginawa ko.


Makikita pa ba kita? Parang gusto ko ng maiyak sa sandaling ito, wala man lang akong makitang signs na nandito siya. Kanina ko pa siya tinetext pero di siya nagrereply.

Nakatayo lang ako dito sa gitna ng crowd habang ang daming taong palakad-lakad sa harap, likod at gilid ko.

Para akong batang nawawala, hindi ko alam kung saan pupunta.

"Kurt, nasaan ka! Magpakita ka naman oh!" nanghihina na ako, nawawalan na ako ng pag-asa. Baka sumuko na siya, hindi na niya ako nahintay. Napahawak na lang ako sa nanlalambot kong tuhod at napayuko.


Pakiramdam ko may kumakalabit sa akin, kaya lumingon ako. 'Di nga ko nagkamali dahil may batang nasa pitong-taong gulang ang nasa harap ko ngayon. May dala siyang sampaguita.

"Ahm.. pasensya na pero 'di ako bibili niyan. Sorry talaga. Ahm.. try mo na lang sa iba bata, for sure naman may bibili sayo diyan sa tabi-tabi. Pwede ka ding pumwesto sa.. sa malapit na simbahan," naawa kong sabi sa bata.

Hindi siya nagsalita. Ano bang gagawin ko e sa hindi ako bibili sa kanya e. Nakakaawa tuloy, gusgusin kasi siya at medyo punit-punit na ang damit niya. Binuksan ko na lang ang bag ko para kumuha ng barya at maibigay sa kanya.

"Oh heto oh, kunin mo na. Ibili mo ng makakain," sabi ko habang inaabot sa kanya ang 100 pesos. Nakipagtitigan muna siya sa akin bago magsalita.


"Una sa lahat 'di naman kita binebentahan ng sampaguita, Pangalawa may nag-utos lang sa akin na puntahan ka at kalabitin, Pangatlo nabigyan na ako ng pambili ng pagkaen ng gwapong lalaki pero salamat na din sa isang-daan," tuloy-tuloy niyang sabi samantalanag ako napanga-nga sa kanya. Para kasi siyang nagrarap habang kausap ako.

"E hindi ka naman pala magbebenta sa akin ng sampaguita, ;di mo agad sinabi," pailing-iling kong sabi.

"Nagtanong ka ba? Alam mo maganda ka po sana kaya lang.."

"Kaya lang ano?" tanong ko. Kung makipag-usap 'tong batang 'to sa akin akala niya magaka-edad kami.

"Kaya lang.. ang tagal mong dumating. Pinaghintay mo si pogi" ngingiti-ngiti niyang sabi.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Asan ba 'yang tinutukoy mong pogi?" tanong ko.

"Uy curious si Ganda hahaha, ayon siya oh." Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nitong bata. Napangiwi ako sa nakita ko.

"Ha? 'Yang matandang nagtitinda ng taho ang tinutukoy mong pogi?" tanong ko sa bata habang nakatingin sa matandang lalaki na pakindat-kindat sa akin. Yay.

"Hay naku, maganda ka talaga sana kaya lang..." ayan na naman siya sa linya niyang kaya lang.

"Kaya lang ano?" iritado kong tanong.

Graveyard Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon