GL_38
(CHANGE OF HEART)
—-
Rheema's POV
I woke up with the aroma of coffee. Napadilat tuloy ako at napatingin sa malapit na table dito sa kwarto. I saw my favorite cupid cup na umuusok pa, mukhang bagong timpla pa lang. I took a sip of my coffee then I check the time, past eight na.
Nag-inat inat muna ako bago magpuntang banyo. Naghilamos ako at nagtoothbrush.
Sino nga pa lang naglagay ng kape doon sa table ko?Umuwi na kaya si Kurt?
Kinuha ko na lang ang bathrobe ko at bumaba na sa kusina, bitbit ang tasa ng kape. Naabutan ko doon ang dalawang naggagwapuhang nilalang.
"Goodmorning kapatid."
"Goodmorning miss beautiful."
Napangiti ako dahil halos magkasabay silang bumati sa akin. Nakasuot din sila pareho ng apron, ang cute nilang dalawa.
"Umupo ka lang diyan at malapit na kaming matapos magluto," sabi ni Kurt paghila niya ng isang upuan para doon ako maupo.
"Wag kang mag-alala maagang umalis sila Mom and Dad kaya hindi nila nakita si Kurt na nandito. Tapos naisipan naming ipagluto ka ng almusal," paliwanag ni Kuya Raynan pagkalapag ng fried rice sa lamesa. Pabalik na sana siya ng kusina kaya lang hinawakan ko ang kamay niya, dahilan para mapalingon siya sa akin.
"Bakit mo 'to ginagawa, Kuya?" bulong ko sa kanya dahil ilang hakbang lang ang layo ni Kurt sa amin, baka marinig niya.
Tumingin muna siya sa mga mata ko bago magsalita "Gusto lang kitang makitang masaya," sabi niya. Hindi ko inaasahan ang sagot niya.
"S-salamat 'Ya."
"Kumain ka ng marami ha? Para sa'yo talaga ang lahat ng niluto namin ni Kurt," sabi niya ng malakas sabay gulo ng buhok ko.
"Saglit na lang matatapos na akong magprito ng bacon," sigaw naman ni Kurt.
Si Kuya talaga kahit kailan, 'di ako binigo. Ang saya ko ngayon dahil kasama ko ang dalawang taong nagmamahal sa akin at nagmamalasakit. Kahit alam ni Kuya na magpapakasal na si Kurt kay Lizie hindi niya ito pinigilan gawin ang mga ganitong bagay. 'Yung ibang kuya kasi diyan baka nabugbog na niya ang tulad ni Kurt, pero si Kuya hindi. Bilib ako sa kanya.
Sama-sama kaming kumain, totoo ngang masarap ang niluto nilang almusal. Nagkwentuhan lang kami habang nag-aalmusal, nagbiruan na para bang walang kasalan na magaganap, na para bang walang Lizie na nag-eexist sa mundo.
Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko.
Pero paano naman si Lizie sa mga oras na ito? Siya lang mag-isa sa bahay nila at inaalagaan pa niya ang anak nila. Hindi kaya ang unfair namin para sa part niya? Habang kami dito nagkakasiyahan nang hindi niya alam.
"Lalim naman, hindi ko mahukay."
"Ha?" napatingin ako kay Kurt.
"Ang sabi ko ang lalim naman ng iniisip mo, ano 'yon?" tanong niya.
"Ah..eh wala, wala," sagot ko.
"Sure ka ha. Baka naman napapangitan ka sa lasa ng corn soup, ayaw mo lang sabihin. Umamin ka na, 'di naman ako masasaktan e."
Natatawa na lang ako sa kanya, "kumain ka na nga lang," sabi ko.
"May pasok ka ba sa trabaho Kuya?" tanong ko habang ngumunguya-nguya pa.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...