Chapter 9 - (FIRST DATE)

765 116 19
                                    

GL_9

 (FIRST DATE) 

 ——-

Kurt's POV

Matapos naming kumain ng masarap na graham na ginawa niya naisipan naming pumunta sa bayan. Alam naman nating lahat na ang gamot sa mga babae ay ang pagshoshopping, pero ako hindi ko maintindihan kung anong saya ang naidudulot ng pagshoshopping na yan. GASTOS LANG.

Nakatayo ako sa labas ng dressing room ng Department Store, hinihintay ko lumabas ang isang singkit na nagbibihis sa loob. Nasa Robinsons Mall kami dito sa Tacloban, wala pa kasing SM dito.

Naalala ko tuloy ang unang taong sinamahan kong magshopping ng mga kaartehan niya sa buhay. Singkit din siya tapos kwela kasama, nakakamiss talaga siya. A sad smile form in my lips. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan gagawin ko para hindi nangyari ang mga bagay na gano'n. Hay bakit ba ang unfair ng mundo? Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na napansing nasa harap ko na pala si Rheema.

Nakayuko kasi ako at nakatitig lang sa sahig, napansin ko na lang na may mga paa na nasa harap ko kaya tinaas ko ang tingin ko at "Wow!"

"Tadaaaaa. Maganda ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti.

Ang ganda niya sa suot niya, isang dress na light pink na may black outline sa may ibaba at sa sleeves. May ruffles din siya sa may dibdib. She looks stunning.

"Ahm... Wow. Ang ganda," 'yan na lang ang nasabi ko.

"Hihihi promise?" nagpuppy eyes pa ang loko. Tsk wag kang ganyan lalo kitang magugustuhan.

"Promise," ngiting-ngiti kong sagot sa kanya.

"Okay, I will buy this. Magbibihis lang ulit ako. Okay? Stay there and wait for the princess."

Self-proclaimed princess siya, sige pagbigyan.

Hinintay ko siyang makapagbihis ulit ng suot niya kanina at noong lumabas na nagdiretso kami sa counter para magbayad. Siya na lang ang pumila habang ako nasa gilid tinitingnan siya. Kasunod niya ang isang lalaking naka-all black na damit, may mahabang buhok at may hikaw sa ilong. Tsk! Ang adik ng dating.

Maglalakad-lakad na sana ako ng makita ko ang kamay niya sa likod ni Rheema. Mukhang may hindi magandang mangyayari. Nakita kong bumaba sa may pwetan ni Rheema. Aba bastos to ah!

"PERVERT!" pasigaw na sabi ni Rheema sa kanya. Lumingon ito at sinampal ang lalaki.

"Hoy Miss wala akong ginagawa sayo! Assuming!"

"Hoy Hoy Hoy! Ako pa ang assuming after mo akong hipuan? HOW DARE YOU!"

"Hindi ka sexy para pagnasaan ko Miss! Malapit ka na sa counter oh. HUMARAP KA NA DOON." Nagsisigawan sila kung mag-usap.

Naglakad na lang ako palapit sa kanila at nakita kong tumalikod na si Rheema gaya ng sinabi ng lalaki. Paksh*t! Nanghipo na naman.

"KUYA ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO?" Nagtataray na si Singkit. I can handle this.

"Ahem, excuse me! Bakit mo binabastos ang girlfriend ko?" cool na cool kong tanong sa kanya.

"Girlfriend mo to? Hahaha anong nagustuhan mo dito eh wala ngang korte ang katawan?"

Hindi na ko nakapagpiggil kaya sinuntok ko na siya sa mukha. Hindi niya ba alam ang salitang respeto! Narinig kong nagsigawan ang mga customer at tumawag naman ng guard ang mga empleyado.

"SA SUSUNOD PILIIN MO KUNG SINO ANG KINAKALABAN MO! AT ISA PA, USO HO RUMESPETO SA MGA BABAE!"

(Awww ang gwapo at ang cool niya) - Girl 1

Graveyard Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon