GL_25
(PLAN)
——-
Rheema's POV
"Worrying is a waste of time girl, let's go shopping na lang tayo. Parating na si Glenn my loves dala niya ang car niya. Sama ka Gelo ha? I don't want Rheema to be out of place. You know naman, baka ma-op siya sa amin ni Glenn," litanya ng babaeng ito.
"Hindi naman ako nagwowory e, nag-aanalyze ako ng pangyayari."
"Analyze ng ano?" curious na tanong ni Gelo.
"Kasi parang tumutugma 'yong sinabi ng manghuhula sa sinabi ng Lola ko sa panaginip ko sa nangyayari ngayon sa amin ni Kurt."
Nakita kong may nagform na kulubot na line sa noo ni Gelo, hindi pa pala niya alam ang nangyari.
"Ahm, ano ba 'yong sinabi ni Lola mo? Even though it sounds creepy and crazy mang-uusyoso pa rin ako," sabi ni Shantal.
"Oo nga, saka ano ba nangyari sa inyo ni Kurt no'ng umuwi ka sa Tacloban for the second time. Wag mong sabihin na niloko ka niya, babasagin ko mukha no'n!" sabi ni Gelo habang nakaporma na ang kamao niya na kunwari ay sasapak na ng tao. Napatawa tuloy ako.
"Kwento ko sa'yo mamaya sa kotse," nakangiti kong sabi kay Gelo. "At yung sa'yo naman Shantal, 'wag mo ng alamin baka lalong maging sounds creepy and crazy sa'yo ang mga nangyayari," emphasizing the word creepy and crazy. Nagpout tuloy ang napakaganda kong bestfriend.
Napatingin kaming tatlo sa mustang na huminto sa harap namin, ang gwapo ng kotse ha!
"Astig ang pagka-yellow ng race car niya," narinig kong papuri ni Gelo sa kotse.
"Hop-in Shantal my loves and company," pabirong sabi ni Glenn.
Si Glenn pala itong may-ari ng kotse, kung sa bagay hihinto ba ito sa harap namin kung hindi 'to si Glenn. Engot ko din e.
"Glenn my loves bakit ito pa ang dinala mong car? Pwede naman 'yong black sedan mo," sabi ni Shantal habang papasok na kami sa loob.
"Baka masira ang makina nito kapag 'di ko gamitin, ngayon lang naman," malambing na sabi ni Glenn, sa kanya tumabi si Shantal. Pinagpalit ako sa boyfriend niya. Tss katabi ko tuloy dito sa backseat si Gelo.
Tahimik lang kaming pinapanuod ang lovebirds sa harapan, "I missed you honeybunch," sabi ni Shantal.
"Namiss din kaya kita babe," sagot naman ni Glenn.
Miss miss pa sila e nagkita naman sila kahapon, tsk.
"Ahem! May tao po," sabi ko habang nakangiti kunyari. Kulang na lang kasi magkiss 'yong dalawa sa lapit ng mga mukha nila.
"Tara na nga sweetie, nakakahiya na kela Rheema at Gelo," ayan sinimulan na ni Glenn paandarin ang kotse.
"Pansin ko lang dami naman nilang call sign," bulong sa akin ng loko kong katabi.
"Dati ko pa napansin 'yan," sagot ko.
Habang nasa biyahe puro lang kami kwentuhan, narinig ko pang kinwento ni Shantal kay Glenn ang sinabi ng manghuhula sa kanya na maswerte daw siya sa pag-ibig. Which is true naman, ang sweet kasi talaga nilang couple at ang tatag na nang relationship nila. Na-overcome na nila lahat ng flaws and weaknesses ng bawat isa, pati na rin nga ang mga insecurities ni Shantal e. Ideal man talaga 'tong si Glenn.
Kinulit naman ako ni Gelo na ikwento ko daw sa kanya ang nangyari sa Leyte. No'ng una ayaw ko kaya lang nakisali na si Shantal sa usapan so in the end halos siya na ang nagkwento ng buong istorya. Nagtaka nga ako sa naging reaksyon ni Gelo dahil ang sinabi niya ay dapat daw pag-usapan namin ni Kurt ang tungkol doon dahil bilang lalaki, masakit sa part nila ang pag-isipan ng kung anu-ano at matapos nilang magmakaawa e wala pa ring nangyari. Nasabi ko rin kasi ang paghabol ni Kurt sa amin noong nakasakay na ako sa kotse ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...