GL_4
(MR. COMFORTER)
——-
Rheema's POV
Matapos kong makipagtalo sa konsensya ko eh lumabas ako ng mansion. My foot leads me to the burial of my Grandma. Sumilip ako sa kabaong niya at nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko. All people in earth given twenty four hours a day, it depends on us if we will make it productive and memorable. And it hurts to realize that I didn't give at least one minute to be with her when she's still alive. 'Di ko man lang naisipang pumasyal dito sa probinsiya noon. Napabuntong hininga ako.
I'm having a lot of thoughts that's why I'm not able to feel that my tears are running slowly down to my cheeks and to the glass of the coffin. Then, I was shocked to see a hand that holding a handkerchief. Ino-offer niya ba to sa akin?
"Dry it off."
"Ha?" inangat ko na ang ulo ko at nanlaki ako sa nakita kong tao.
"I said dry it of. Your tears. Hindi kasi magandang pinapatakan ng luha ang kabaong ng isang patay mas mahihirapan siyang hanapin ang daan papunta sa kabilang buhay."
"Ga-ganun ba? Thanks." Kinuha ko ang panyong inaabot niya akin at pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko pati ang mga pumatak sa kabaong ni Lola.
"Tara upo muna tayo," yaya ko sa kanya. Naglakad kami papunta sa gilid na part ng garden dahil may swing doon.
"Bakit ka nga pala nandito? Ay syanga pala salamat kanina ah."
"Ahm, family friend kami ng mga Abellana. Oh, 'yon bang kanina sa ilog? Wala iyon," nakangiti niyang sabi.
Hala family friend namin sila? Hello Abellana kaya ako. What a small world.
"Eh? I'm Rheema Abellana so family friend pala kayo ng lahi ko?"
Natawa siya ng kaunti sa tono ng pagsasalita ko at pati na rin sa sinabi ko.
"Yeah exactly, how's your phone nga pala?" nakangiti niyang tanong.
"Ahm sad to say ayaw na niyang gumana" sagot ko.
"Tsk tsk sayang naman."
"Oo nga eh. Ay Kuya hindi ka pa po pala nagpapakilala. What's your name po?"
"Sorry, I'm Kurt Steven Herson. Nice meeting you Ms. Abellana. And please don't call me Kuya okay?" inabot niya ang kanang kamay niya para makipagshake hands kaya kusang loob ko namang iniangat ang kaliwa kong kamay. Ang lambot ng palad niya, at pakiramdam ko may kakaiba akong nararamdaman. My heart skip a beat. I can feel it.
"O-okay. Just call me Rheema, Kurt," inemphasize ko ang name niya.
"Okay Rheema."
Then silence filled the air.
Ang tahimik, 'di ako sanay na hindi nagsasalita. Feeling ko mamamatay ako. Parehas lang kaming nakatingin sa mga bisita habang nakahawak sa gilid ng swing. I should be the one to break the silence. Dapat i-entertain mo siya Rheema dahil bisita siya. Okay my conscience again.
"Ahm Kurt want some coffee?"
"Sure," mabilis niyang sagot, siguro kanina pa siya naghihintay na offeran ko ng kape.
Tumayo na ako at nakita ko namang ganoon din siya. Sumunod siya sa akin papuntang kusina. Pagdating sa loob nagtaka ako dahil wala man lang ang mga kasambahay. Napakamot tuloy ako ng ulo, hindi kasi ako marunong magtimpla ng kape baka mamaya hindi ko matantsa. 3-in-1 lang kasi ang madalas gamitin sa bahay. Hindi ko na lang ipinahalata ang pagkabahala ko.
"Upo ka muna Kurt, ako na magtitimpla," sabi ko baka kasi mangalay siya, nakakahiya naman sa kanya.
Kinuha ko na yung lagayan ng coffee, creamer and sugar. Then nagtimpla na ko ng dalawa. Siyempre ako rin iinom.
"Rheema,"
"Oh?" napalingon ako ng tinawag niya ako dahil nga nakaharap ako sa maliit na mesa dito habang hinahalo ang tinimpla ko.
"Hmmm? Do you believe that it's not the sugar that makes coffee sweet?"
"Ha? Di kita magets," walang ganang sabi ko.
"Kasi it's the stirring you do after adding the sugar. As in life, it's what you do with what you have that makes it worthwhile. So live your life. Alam kong masakit mawalan ng taong mahalaga sa'yo dahil naranasan ko na 'yan pero hindi ibig sabihin no'n hindi ka na pwedeng maging masaya ulit."
Parang maiiyak ako sa sinabi ni Kurt. He's right. I gave him a faint smile and then I started to cry. Tumayo siya sa kinauupuan niya at nagulat ako ng yakapin niya ko at inub-ob ang ulo ko sa dibdib niya. Doon ako nag-iiiyak.
Kurt Steven Herson's POV
I keep tapping her head while hugging her because it's my way to comfort her. Hay ang gaan kasi ng loob ko sa babaeng ito. I don't know why but this feeling... it feels familiar.
Almost five minutes din kaming ganoon ang position. Napahiwalay lang siya sa akin nang biglang pumasok ng kusina si Raynan.
"Oh?" nagulat si Raynan at nagtaka dahil nga sa magkayap kami ni Rheema. Dahan-dahan tuloy akong humiwalay sa pagkakayakap namin ni Rheema at tumayo ng tuwid.
"Kamusta na Bro?" bati ko sa kanya.
"Okay lang naman. Long-time no see," sagot niya, hindi naman siya nag-abalang lumapit sa amin.
"Oo nga eh" iyon na lang ang nasabi ko.
"Magkakilala na pala kayo ng kapatid ko. Good for the two of you para 'di na rin kayo mahirapan." Napa-angat naman ng ulo si Rheema at mabilis na nagpunas ng mga luha sa mukha niya.
"What do you mean Kuya?" tanong ni Rheema dahil 'di niya alam kung ano ang nais iparating ni Raynan. Kahit ako di ko naintindihan.
"Makakasama na kasi natin ang pamilyang Herson sa bawat business gatherings" sagot niya. Napatango ako, 'yon lang pala. Mga isang linggo na rin kasi ang nakakalipas mula noong nakipagsosyo ang Papa sa business ng mga Abellana, nanganganib na kasi ang Hacienda.
"Sige alis na ko!" sabi niya sabay tingin kay Rheema " Magdinner ka muna bago matulog. Okay?"
"Yes Kuya," sagot naman ni Rheema at tuluyan ng umalis si Raynan.
"So magkakilala pala kayo ni Kuya?"
"Ahm, yeah. Magbarkada kami niyan noong mga bata pa kami."
"Wow astig ah!" halatang namangha siya, ngumiti na rin siya kahit papaano.
"Yeah definitely." Tipid kong sagot.
Medyo malapit lang kasi ang edad namin ni Raynan dahil siya 23 na at ako ay 22. Si Rheema naman ay magseseventeen kung hindi ako nagkakamali. Iniabot na niya sa akin ang isang-tasa ng kape, dahan-dahan ko itong ininom. It taste great. Mabilis ko tuloy itong naubos.
"Sige maghapunan ka na para makapagpahinga ka na. Good night Manila girl," nakangiti kong sabi sa kanya bago ako tumalikod at maglakad palabas ng kusina.
"Eh? Manila girl ka diyan. Hmm! Goodnight din po KUYA Kurt. Bleh and thanks for being my cooomfooorteeer," pasigaw niyang sinabi nang palayo na ako sa kanya. Ang childish talaga.
Mas cute siya pag naka-smile kaysa umiiyak. Bakit ba sa tuwing makikita ko siya palaging siyang nasa hindi magandang kundisyon. Napabuntong hininga na lang ako. Mabuti na lang on the rescue ako lagi. That pathetic girl made me smile, for the second time. Makauwi na nga para makapagpahinga na rin at kung anu-ano na ang lumalabas sa isip ko.
A/N: Napangiti ka ba? Puwes i-click mo na ang next chapter para sa more kilig scenes.
Subaybayan nyo po ang story na ito para ma-inspired ako lalo na ipagpatuloy. VOTE, READ AND COMMENT :) Support me Readers. Thanks.
- ChinitaSai
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...