GL_19
(STRAT PLAN)
——-
Rheema's POV
Monday na meaning to say Strategic Planning na namin. Ginising ako ni Kurt dahil tumawag siya ng 5am para daw hindi ako malate. Hinatid pa ako ni Daddy dito sa school bago siya pumasok sa trabaho, 7:00 kasi ang call time. Daig pa nga niya si Mommy sa pagbibilin sa akin.
"Ikaw na next," nabalik ako sa katinuan ng sikuin ako ng katabi ko. Napatingin ako sa pagkakabilog naming lahat at lahat sila nakatingin sa akin, including Gelo.
Taranta mode is on. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 'Yong pakiramdam na ikaw ang nabunot for graded recitaion.
"Ano nga ulit ang sasabihin ko?" pabulong kong tanong sa katabi ko na hindi ko kakilala dahil newly-elected officer pa lang ito. Bago siya sa paningin ko.
"Name, position at motto," sagot naman niya na pabulong din.
"Ah... Good moring po. I-I'm Rheema Abellana, Legal Consultant of SSC and my.. my motto is.." naghalungkat ako sa kokote ko kung ano nga ba ang motto ko. Arg! Wala akong maisip.
"My motto is 'Like a wild animal, the truth is too powerful to remain caged' from the book of Insurgent," mabuti na lang at tumatak sa isip ko ang line na 'yon noong nagbasa ako kagabi.
Tumango lang sila sa sagot ko at hindi na nila ko pina-explain pa dahil self-explanatory naman ang sinabi ko. Napansin kong ngumingisi si Gelo mula sa kinatatayuan niya, binigyan ko na lang siya ng matalim na tingin.
Nagpatuloy ang pagpapakilala ng lahat ng delegates hanggang sa dumating na ang unang speaker ng programa. Isa siyang magaling na professor sa kilalang school, si Professor Greg Mendoza, kaya tahimik kaming nakinig sa kanya.
Nasa bandang likuran ako naka-upo, bakante naman ang upuan sa kaliwa ko. Kinuha ko ang tickler ko sa bag at ang favorite kong ballpen para isulat ang mga sinasabi ni Prof. Greg.
"I really do believe in saying that the true leader is someone who is humble enough to admit their mistakes."
I jot down notes lalo na sa mga words of wisdom na sinasabi niya. Kaya lang napahinto ako sa pagsusulat nang maramdaman kong nagvivibrate ang phone ko na nasa loob ng bag.
Tiningnan ko kung sino ang nagtext at napangiti ako sa nabasa ko.
From: A-Your Hero <3
Listen very carefully sa mga speakers niyo diyan. Take care Singkit, wag kang magpapagutom ha? Matulog rin ng maaga dahil nag-aalala ako sa'yo, paano na lang kung lights off na at hindi ka pa tulog? For sure matatakot ka sa dilim. Kaya dapat matulog ka na habang maaga pa. I miss you. Can't wait to see you again :)
Tumalon sa saya ang puso ko sa message niya. Kung alam mo lang Kurt, I really miss you na rin. I sighed habang nakatitig pa rin sa screen ng phone ko. Hindi na ata mawawala ang ngiti sa mga labi ko.... pero mali pala ako.
Biglang may humablot ng phone ko, napa-angat tuloy ako ng ulo at si Gelo lang naman ang walang hiyang humablot. Umupo pa siya sa kaliwang upuan na bakante na parang walang nangyari.
"Hoy! problema mo? Akin na 'yan," mahina pero inis kong sabi sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko dahil nakapako lang sa harapan ang tingin niya.
"Huwag mong inisin ang umaga ko Gelo! Akin na. You're invading my privacy!" Napatingin siya sa akin dahil ata sa sinabi ko.
"Invading your privacy? Bakit binasa ko ba 'yong message?" sobrang presko niya magsalita. Nakakainis.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...