GL_8
(RECONCILIATION)
Rheema's POV
Time Check 11:00 PM
Bakit ganun ang panaginip ko? Mali ba na nagpadalus-dalos ako ng emosyon ko kanina?
Hindi ko kinaya ang tensyon na naramdaman ko pagkagising ko kaya lumabas ako ng kwarto at bumaba. Gusto kong mapag-isa pero mukhang hindi 'yon mangyayari dahil nandito si Kuya sa may sala, nakahiga sa sofa habang nagsosoundtrip.
♬♬♬ ♬♬♬
Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Ang lungkot naman ng pinapakinggan niyang kanta, babalik na lang ako sa kwarto ko dahil mukhang senti mode siya ngayon. Wala man lang akong alam sa buhay pag-ibig ni Kuya, masikreto kasi siya eh. Pero sa nakikita ko ngayon, parang ang bigat ng dinadala niya.
Tumalikod na ko para umakyat ulit kaya lang ...
"Nandiyan ka pala Rheema, bakit gising ka pa?"
Ngek, napansin pa tuloy ako ni Kuya "Ah.. eh nagising ako Kuya, ang sama kasi ng panaginip ko."
"Ano ba 'yang panaginip mo? Umupo ka nga dito sa tabi ko." Ginawa ko naman ang sinabi ni Kuya, umupo ako sa tabi niya at saka ko kinuwento ang panaginip ko.
"Wala 'yan, masyado ka lang nag-iisip ng kung anu-ano. Ang tao kasi kapag tulog gumagana ang subconscious mind nila kung saan nandoon nakastored ang mga bagay na madalas mong isipin o kaya inisip mo bago ka matulog," paliwana ni Kuya sabay akbay sa akin.
"Gano'n ba? Si-sige sabi mo." Tumingala ako at tumingin sa kanya para ngumiti.
"Hmmm? Eh ano ba kasi ang iniisip mo bago ka matulog?"
"Ah wala. Hindi na importante Kuya, namiss ko lang siguro si Lola." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol kay Kurt baka pagalitan niya ko. Sanay kasi siya na hindi ako interesado sa mga lalaki, ngayon lang naman ako nagkagusto e.
"Lalo naman ako, miss ko na si Lola."
Oo nga mas may pinagsamahan si Kuya at si Lola kesa sa akin. Madalas kasi siya umuwi dito sa probinsiya tuwing bakasyon, minsan nga kahit Christmas vacation umuuwi siya. Iyon din ang dahilan kaya close na niya yung mga tao dito, kasama na doon si Kurt. Hindi ako sumasama sa kanya noon kasi ayaw ko dito sa, iitim ako. At saka ang dami ko kayang activities sa school.
"Naalala ko pa 'yong time na nag-usap kami patungkol sa babaeng nagugustuhan ko. Hahaha ang kulit nga niya noon eh. Puro pang-aasar ang sinabi."
"Si-sino 'yong babae Kuya?" bigla akong na-curious doon. Kasi kung tutuusin perfect guy na ang Kuya ko, ang dami ngang may gusto sa kanya sa Manila pero never ko pang nakita o narinig na mag girlfriend siya.
"Wag na, para saan pa? Eh wala naman na 'yong tao"
"Ha? saan pumunta?"
"Wala eh, Kinuha na siya ni Lord," malungkot na sabi ni Kuya. Parang may kurot akong naramdaman sa puso ko. Ang saklap naman.
"A-ang lungkot naman pala." Hindi ko alam ang sasabihin ko para mapagaan ko ang nararamdaman ni Kuya kaya niyakap ko na lang sya. Para siguro sa babae ang kanta kanina na pinapatugtog ni Kuya.
Mga limang minuto din kaming tahimik habang nakayakap ako sa kanya. Tanging tugtog lang sa rdio ang naririni kaya nagulat ako nang magsalita siya ulit.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...