GL_18
(FAKE FRIEND)
——-
Rheema's POV
"Coffe or juice?" tanong ni Shantal sa akin.
"Fresh milk na lang," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya dahil ka-text ko si Kurt.
"Okay I'll get it, fresh milk for you and orange juice for Vee," pag-uulit niya sa mga gusto naming inumin ngayong umaga at nagpunta na siya sa kusina.
Sobrang napagod kaming tatlo kagabi. After kasi namin kumain ng carbonara kahapon, naisipan naming mag-videoke at umabot kami ng hapon. Medyo napaos nga ako kaka-kanta, then no'ng after dinner nag-movie marathon kami while eating our favorite: mangga with bagoong. May pillow fight pa ngang naganap bago kami tuluyang matulog, hindi namin kinaya ang 'walang tulugan' na segment.
"Here." Nilapag na ni Shantal ang baso sa lamesa. Uminom muna ako ng kaunti bago ulit magtext.
I compose a message "How are you?" at sinend ko na kay Kurt. Maya-maya nagreply na din siya.
From: A-Your Hero <3
Just good. Better if you're with me. And best if we're hugging each other.
Napangiti ako sa text niya, as in ear to ear. He's really romantic kahit sa text.
"Oh bakit ngumingiti ka diyan mag-isa?" pag-usisa ni Vee.
"Wala, may nabasa lang ako," nakangiti ko pa ring sabi.
"Hmm it's not a crime naman na i-admit na kinikilig ka diyan sa pagtetext mo kay Kurt," sabi ni Shantal.
"Ay nako, tigilan niyo kong dalawa," natatawa kong tugon.
"E kwentuhan mo naman kasi kami. Please?" pagmamaka-awa ni Shantal. Bakit ba ganito mga kaibigan ko? Hindi ata mabubuhay hangga't hindi makakarinig ng chika update sa lovelife ko.
"Oo nga girl, para naman kahit papaano kiligin man lang ako," naka-ngusong sabi ni Vee. I get her point, kasi naman wala na ngang magpapakilig sa kanya dahil na-friendzone siya kaya kahit 'yong kwento ko na lang ang magpakilig sa kanya ay okay na.
"Sige na, sige na. Ano pa nga bang magagawa ko?" sabi ko at inubos ko munang inumin ang fresh milk ko bago magsalaysay sa kanila. From the very beginning hanggang sa recent na pangyayari.
-
"Thanks sa bonding time girls. Ingat ha? Mahal ko pa naman kayo," sabi ko sa kanila habang nakatayo ako dito sa tapat ng gate. Pinapa-uwi ko na kasi silang dalawa.
"Hahaha love you too. Basta age doesn't matter girl," pahabol na mensahe ni Vee bago sumakay sa kotse ni Glenn. Nagpasundo na kasi si Shantal sa kanya para hindi na sila magcommute.
"Ewan ko sayo! Kanina ka pa girl. Hmp!" Matapos ko kasing i-kwento sa kanila ang lahat, madami pa silang follow-up questions patungkol kay Kurt at nalaman nila na mas matanda nga siya sa akin.
Ini-start na ni Glenn ang makina ng sasakyan at tatalikod na ako kaya lang bigla niya akong tinawag. Pag lingon ko nakababa ang bintana ng kotse niya at nakadungaw silang tatlo.
"Thank you nga pala sa mga shirts. Ba-bye,sabay-sabay nilang sinabi habang papalayo na ang kotse sa akin. Kumaway ako sa kanila hanggang sa hindi ko na sila makita.
Pagkapasok ko sa loob nagdiretso ako sa banyo ng kwarto ko. Maliligo na ako dahil may appointment ako sa isang tao. I texted him kaninang umaga at pumayag naman siyang makipagkita sa akin.
Mga twenty minutes lang ako sa banyo. Pagkalabas ko pinili kong suotin 'yong dress na binili namin ni Kurt sa Tacloban and I will partner it to my doll shoes. Ayaw kong mag-heels, hindi ko trip. Nag-apply ako ng kaunting make-up at lipstick, then okay na ako. Bumaba na ako sa sala para magpa-alam kay Nanay Linda.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...