GL_32
(SAD GOODBYE)
——-
Rheema's POV
Walang umiimik sa aming dalawa. Tahimik lang kami pareho, hindi ko alam kung parehas ba kami ng nararamdaman sa mga oras na ito. Takot mag-open ng topic na baka hindi magustuhan ng bawat isa. O mas tamang sabihin na walang lakas ng loob para basagin ang nakakabinging katahimikan.
Bukod sa natatakot akong mag-umpisa ng conversation, hindi ko rin magawang sumulyap sa kanya dahil baka mayakap ko na lang siya bigla at 'di na pakawalan. I really missed him kaya lang hindi ko man lang maramdaman na he miss me too.
Anong nangyari sa'yo Kurt?
Bakit ganito ang mga ikinikilos mo?
Si-sino ba yung babae sa mga pictures na nakita ko noon?
At bakit ngayon ka lang dumating?
Ghad ang daming tanong na sumusulpot sa utak ko. Damn it! I don't have the guts to ask him those questions. My heart is beating like a drum. Napaka-uncomfeortable ng feeling.
'Yong nararamdaman ko ngayon ay macocompare ko sa feeling ng isang babae na nasesense na niyang makikipagbreak na sa kanya ang boyfriend niya, though Kurt is not my boyfriend yet. He's my lover.
Maya-maya lang napansin kong pumasok kami sa isang village at hindi rin nagtagal huminto ang kotse sa tapat ng malaking bahay. Napatingin ako dito, kulay light-brown ito at may paga-vintage ang dating. Matapos kong pagmasdan ang mansion, (dahil malaki talaga siya, so I called it mansion) nilingon ko si Kurt na diretso lang ang tingin sa kalsada.
Wala ata sa plano niya ang magsalita, 'di bale na lang. Ako na ang mag-uumpisa tutal kanina ko pa gustong tanungin sa kanya ang mga tanong na naglalaro sa isip ko.
"Ba-bakit tayo nandito? Bakit mo ko dinala dito, Kurt?"
"Nakikita mo ang two-storey house na 'yon?" sinundan ko ng tingin ang tinuro niya, tatlong bahay mula sa mansion na nasa tapat namin ang layo. Simple lang ito, color blue. Hindi ganoon kalaki pero hindi rin naman ganoon kaliit.
"Ye-yeah, bakit? B-bakit anong meron?"
"I live there," walang emosyon niyang sagot habang diretso pa ring nakatingin sa bahay.
Automatic na nagform ng curve ang lips ko, pakiramdam ko nagdidiwang ang buong puso ko dahil sa narinig ko. "M-meaning to say... dito ka na nakatira sa Manila? Kurt kailan pa?" natutuwa kong tanong sa kanya at dahil sa sobra kong tuwa ay nayakap ko siya.
"Noong last week pa," sagot niya.
"Kurt, masaya ako na dito ka na titira. Mas mapapadalas na ang pagkikita natin at.. at wala ng dahilan para mamiss kita," sabi ko habang nakayakap pa rin ng mahigpit sa kanya. Oo wala pa akong naririnig na kahit anong salitang sorry, pero anong magagawa ko? Mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kanya kesa sa galit na naramdaman ko noon. Tulad nga ng sinabi ko sa sarili ko noong nasa airport ako, makita ko lang siya, pinapangako kong makikinig ako sa sasabihin niya, sa lahat ng ipapaliwanag niya. I will listen to him, alam kong magcoconfess na din siya sa akin maya-maya.
"Rheema.. I'm-I'm sorry sana.."
"I already did," I interrupt him, hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayap sa kanya.
"Hindi ito ganoon kasimple tulad ng inaasahan mo.. just-just listen first."
Napakaseryoso ng boses niya, it gives chills trhough my spine. Dahan-dahan tuloy akong napabitiw mula sa pagkakayakap ko sa kanya at napa-upo ng maayos. Tiningnan ko lang siya ng continue-your-story look at mukhang naintindihan naman niya dahil nagpatuloy na ulit siya sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...