GL_30
(MASQUERADE PARTY)
——-
Rheema's POV
"You can open your eyes now, miss gorgeous," malambing na sabi ni Laura, ang stylist na nireto sa akin ni Shantal para ayusan ako for the party.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang reflection ko sa salamin.
"You look great miss gorgeous," litanya na naman ni Laura habang hinahawi ang katiting na bangs na natira sa buhok ko. Nakapusod kasi ito pero may kaunting dekorasyon.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, I will admit it. I really look great, tama si Laura. Ang ganda ng pagkakamake up niya sa akin, she's really an expert. Bumagay ang dark eye shadow ko sa elegent dress na suot ko, plus the nude lipstick.
"Thank you Laura, you bring out the beauty in me," pasasalamat ko habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.
"It's my pleasure, Miss gorgeous," nakangiti niyang sagot.
"Stop calling me gorgeous, nakaka-intimidate," pagsasabi ko ng totoo. Naiilang ako kapag mas lalong pinupuri o pinapansin ang kahanga-hanga sa akin.
"Hay naku Rheema, don't be. Bongga kaya ang beauty mo so dapat be confident. Irampa mo mamaya sa party yang angking kagandahan mo. Ay naku, I'm telling you. Tsk tsk, talo sila."
"Iba ka rin makapagboost ng self-esteem no?" I smiled then said "Let's go, hinihintay na nila ako sa baba."
"Okay. Let's go," masigla niyang sabi. Nilahad niya ang kamay niya para alalayan ako palabas ng kwarto at sa pagbaba ng hagdan.
Naabutan kong nakaupo sa sofa sila Daddy at Kuya Raynan, for sure si Mom nag-aayos pa din. Napatingala sila sa hagdan nang marinig nila ang yapak ko. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi nila. Nung last step na lang bago ako makababa, tumayo na si Kuya at Daddy at pinagmasdan ako na para bang their checking me out.
"Uhm.. so.. how do I look?" I ask them.
"You look.. stunning my dear," seryoso at punong-puno ng sinseridad na sabi ni Daddy.
"Ikaw ba ang kapatid ko? Sigurado ka?" pang-aasar naman ni Kuya.
"Kuya naman," sagot ko sa kanya.
"Hahaha joke lang, ito naman. Salamat Laura at ginawa mong tao 'tong si Rheema," hirit na naman ni Kuya, nakita kong tumawa lang si Laura sa sinabi niya.
"Ready na ang lahat, ano pang hinihintay natin. Let's go!" masayang-masaya na sabi ni Mom pagkalabas niya sa dressing room na nandito sa bandang kaliwa ng living room.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay na lang sa iisang kotse, si Daddy ang nagdadrive at nasa backseat kami ni Kuya. I'm so much happy dahil hindi lang isang party ang pupuntahan namin dahil it's more than that lalo na at kasama ko ang family ko.
Hmmm changed of heart? Parang dati lang ayaw kong sumama sa mga ganitong event pero ngayon, I'm so excited to be there.
-
Pagdating namin sa Hotel bumungad sa akin ang mga professional na tao. Mga negosyanteng mas mayaman pa sa amin which is hindi ko type pakisamahan. Tinuro sa amin ng isa sa organizer ang table na para sa mga Abellana at doon na kami nagdiretso.
Super ganda ng place, very elegant. The lights, may part na medyo dim samantalang sobrang liwanag naman sa stage. The table skirting, curtains and etc. Match ang blue, white and silver bilang motif. Plus the mask na suot ng lahat.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...