GL_33
(MR.COMFORTER 2.0)
——-
Rheema's POV
"Love hurts..."
Hell yeah! Love hurts...
But then, hindi daw ito totoo dahil ang LOVE nga daw ang nagbibigay sa atin ng lakas. Love can conquer your fears and anxiety. It also takes away all the madness and pain.. pero bakit kailangan nating masaktan?
Because...
Maybe because, love is not enough. Love itself is not enough. It should be at the right time with the right person.
Kaya siguro ganito kasakit dahil.. we had the right love but we don't have the right time and... maybe he's not the right one.
Tumulo naman ang mga luha ko.
"Tissue pa nga," request ko sa taong kaharap ko ngayon.
"Panglima mo na 'tong box ng tissue. Mamumulubi ako sa'yo e," napatawa ako ng kaunti sa sinabi niya habang pinapahid ang mga luha sa pisngi ko.
"Para namang ang mahal ng tissue, at saka hindi ko naman sinabing bumili ka," pagrereklamo ko.
"Hay naku, grabe talaga 'to. Mas gugustuhin ko pang gumastos para sa tissue kaysa tuluyang mabasa ang damit ko sa kakaiyak mo." Nakasandal kasi ako sa balikat niya kanina habang umiiyak.
"Ang sama mo," napanguso pa ako sa pagsabi ng mga iyon.
Ngumiti lang siya at sinabing, "binibiro lang kita," at sumeryoso ang mukha niya.
"S-salamat Gelo," sincere kong sabi.
"You're always welcome," then he smiled. "Wait, diyan ka lang. May bibilhin lang ako, well bukod sa tissue dahil mukhang ubos mo na naman 'yang last na box."
"Okay," then I fake a smile.
Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na convenience store mula sa village na pinanggalingan ko kanina. Nagtataka ba kayo kung bakit may kasama na ako? Well, tinawagan ko siya at nagulat siya nang marinig ang pag-iyak ko kaya mas mabilis pa sa alas-kwarto ang pagpunta dito.
He still wearing his uniform, halatang hindi pa siya nakakauwi sa kanila noong dumating siya dito kanina. Agad ko nga siyang niyakap dahil sobrang nanghihina ako, kailangan ko ng makakapitan. Panay ang tanong niya sa akin kung ano nga ba ang nangyari pero hindi ko siya masagot dahil humagulgol na ako sa pag-iyak. Bawat taong dadaaan mapapatingin sa amin, nahiya tuloy ako kay Gelo sa puntong iyon. For sure kasi iisipan siya ng mga tao ng masama, na siya ang nagpaiyak sa akin. Kawawa naman siya, wala nga siyang kamalay-malay sa nangyayari e.
Nang mahimasmasan ako, doon ko ikinwento sa kanya ang lahat. Lahat ng nangyari at lahat ng nalaman ko. Maging siya ay nagulat at hindi inakalang ganoon ang mangyayari. Napakaliit daw ng mundo para sa amin, wheel of fate.
"Here," naglapag siya ng dalawang cup noodles sa table namin at isang box ulit ng tissue.
"T-thanks."
"Sabi nila nakakapagpagaan ng loob ang mainit na sabaw ng noodles, kaya humigop ka. I hope it will make you feel better." Inabot niya sa akin ang isang spork (spoon and fork) at ngumiti ng encouraging smile.
Inumpisahan ko ang pag-higop ng sabaw pati na rin ang pagkain sa noodles.
Nagpapasalamat talaga akong pinuntahan ako ni Gelo dito dahil kung hindi, baka hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos sa pag-iyak at baka hindi na ako naka-alis sa kinatatayuan ko kanina. Siya kasi ang umalalay sa akin papunta dito sa convenience store, nakita niya raw ito kanina ng papunta siya sa akin. Gamit niya nga pala ang motor niya.
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...