GL_7
(THE KISS)
——-
Rheema's POV
"Uuwi na!"
Pagkasabi ko niyan ay nagdiretso na ko pababa. Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi nahilig akong magbasa ng mga romance novel ayan tuloy nagagaya na ko sa mga heroine sa mga story na binabasa ko. Minsan advance minsan naman over acting kung mag-isip.
Hindi naman talaga ako uuwi maglalakad-lakad lang muna saglit.
"Sige ingat ka. Baka maligaw ka sana!" Narinig ko pa siyang nagsalita, ano daw? Baka maligaw daw ako SANA? Ang gulo ha? Kahit kailan talaga hindi ko maintindihan ang mga lalaki. Minsan ang bait, pero madalas mapang-asar!
"Hay sarap ng mangga! Yum.Yum!" Tama ba ang narinig ko? MANGGA? May mangga siya? Gusto ko ng mangga! My favorite. Lakad pabalik hahaha. I know i'm drooling right now. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makalapit na ako sa pwesto niya.
"Penge ako," parang batang sabi ko sa kanya. Inilahad ko pa ang isa kong kamay.
"Ahm pag-iisipan ko." Tiningnan ko siya ng masama, hindi na dapat kasi 'yan pinag-iisipan. Gusto ko lang niya akong asarin e.
Kung tinatanong niyo kung saan at paano siya nakakuha ng mangga ay simple lang. Katabi pala namin ang puno at yung kutsilito ay gagamitin niya pala para makapagbalat. Now I know. Bakit ba hindi ko muna naisip 'yon, napahiya pa tuloy ako kanina. Umupo na lang ako sa tabi niya.
"Akala ko ba gusto mo? Bakit naging ganyan na 'yang mukha mo?" Hindi ko siya sinagot kaya nagsalita na lang ulit siya.
"Hay pagbabalat na po kita, wag na sad face okay?"
Tumango na lang ako sa sinabi niya at lihim na napangiti. Maya-maya natapos na din siya sa pagbabalat at inabot na niya sa akin.
"Thanks Kurt , alam mo ba favorite ko ito."
"Hahaha halata nga, narinig mo lang ako agad ka ng bumalik."
"Gano'n talaga 'yon ang keyword," sagot sabay kagat sa mangga.
"Ganun ba? Dapat pala palagi na kong may dalang mangga."
"Bakit naman?"
"Para pag nagtampo ka mabilis mawawala kapag pinagbalatan na kita ng paborito mo."
"Yiiieeh ang cheesy mo ha! Hahaha," hindi ko naipigilang matawa.
"Siguro nga," tipid niyang sagot.
Ang dami na naming nakain pero mas marami ang akin. Bigla ko tuloy na-miss ang mga girlfriends ko na kasama ko palagi kapag kakain kami ng mangga. Hmm I'll try to text them.
"Uy Kurt pahiram phone."
"Bakit? Oh ayan." Sabay abot ng phone sa akin.
"Wala, makikitext lang." Nagcompose na ko ng message and then ready to send na....
Hello Girlfriends :) I miss you all, nasira yung phone ko :( So sad!
Kaya lang... ano...
"WAAAAAAAAAH" Nakita ko siyang nagtakip ng tenga dahil sa sigaw ko. Sorry naman!
BINABASA MO ANG
Graveyard Love story
Teen FictionFalling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn suicide. Feels like dying! Feels like living in a Graveyard! Graveyard Love story on track :) Meet Rheema Abellana, a Manila girl na nagpu...