Tin POV
Naglalakad ako dito sa bagong school na pinasukan ko habang dala dala ang mga gamit ko. Nakatulala ako sa malaking karatula sa harapan ko,
Welcome to Brookefield High!
Binigyan ako ng papel ng guard tsaka ako pinapasok sa school at mas lalong namangha ang mga mata ko ng makita ang kabuuan ng school. This is what Brookefield High is. The most prestigous and most sophisticated school in the whole Philippines. Hindi ako makapaniwalang nandito ako ngayon.
Habang naglalakad ako ay nakita ko ang estudyante ng Brookefield High. May ibang nakatingin sa akin, mayroon rin namang iba na parang hangin lang ang trato sa akin.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero hindi ko rin naman alam kung saan ang Guidance Office dito.
*POINK*
Sa kakamasid ko sa paligid hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng masama.
"So-sorry, hindi ko sinasad-"
Napaatras ako dahil sa nakakatakot na tingin niya sa akin. Tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa.
"No one dares to bump into me."
Mabilis akong yumuko. Nakakatakot siya.
"Han, tama na yan, may cheerleading pa tayo." Sa huling pagkakataon ay tiningnan niya ako ng masama atsaka ako binangga at umalis.
GRABE NAKAKATAKOT TALAGA SIYA.
Saglit akong napatulala pero hindi ko na lang inisip 'yun at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para hanapin ang Guidance Office.
Guidance Office...
Guidance Office...
Hays! Sa sobrang laki ng school hindi ko ito mahanap.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong isang lalaking nakasandal sa pader at nagbabasa ng libro.
Lumapit ako sakanya atsaka siya kinalabit, tumingin ito sa akin at bumalik rin kaagad sa normal na naka-poker face.
"Ah, hello po-" Tiningnan ko ang name pin niya, "Ken? Ako si Tin, kasi bago lang ako dito. Gusto ko lang sana magtanong kung na'san ang Guidance Office?"
Tahimik pa rin ang lalaki na 'yun at bigla na lang naglakad palayo sa akin. Naiwan naman akong nakatiwangwang dito na hindi man lang ako pinansin. Hindi man lang niya ako sinagot!
Napabuga ako ng hangin. Ganito ba talaga sila dito?
Wala na akong ibang choice kundi ang ipagpatuloy ang paglalakad ko para pa rin hanapin ang Guidance Office.
"Kanina pa ako naglalakad, hindi ko pa rin mahanap 'yung Guidance Office na 'yun!"
Nakakagutom rin pala ang paglalakad ng walang patutunguhang lugar.
Mabuti na lang nakadaan ako sa isang food court. Pumasok ako dun at tiningnan ang mga pagkain. Nakita ko ang isang cheesecake sa stand. Kaagad na natakam ako dun.
"Ate, isa nga pong cheesecake-"
"Mine!" Laking gulat ko ng may kumuha ng cheesecake na dapat ay bibilhin ko.
Napatingin ako sa kumuha nun. "Teka, pero ako ang nauna diyan!"
Ngumiti lang ang lalaki, "Pasensiya na. Para kasi kay baby Sparkles ko ang pagkain na 'to. This is her favorite and it's her birthday today"