Tin POV
Isang araw bago ang brain offs, ay maaga akong nagising. 4:30 AM palang at dahil hindi na ako makatulog ay lumabas na ako ng kwarto namin. Pagkadating ko sa living room ay nagulat ako na makitang nakaupo dun sa Ayo at nagbabasa.
Marami pang mga libro ang nasa gilid nito. Anong ginagawa niya? Nagrereview ba siya para sa brain off nila ni Jake?
“H’wag ka nang magtago diyan, kanina pa kita nakikita.” Naglakad ako palapit nang sabihin yun ni Ayo. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang mga librong nasa gilid niya.
“Para saan ‘to? Para ba ‘to sa brain off niyo ni Jake Alcantara?”
“Partly yes, pero nire-refresh ko lang ang stock knowledge ko. I just need to browse a bit and I’m all set.”
“Sigurado ka ba talaga dito?” Sinarado ni Ayo ang libro tsaka tumingin sa akin.
“Do you think that he can beat me? Excuse me, I’m Primo. Kayang kaya ko yun.” Sabi niya tsaka ginulo ang buhok ko.
“Tss. Yabang talaga kahit kelan.” Tumayo si Ayo tsaka namulsa.
“Don’t worry. Kapag sinabi ko, gagawin ko. I won't let Blue Stars dissolve. I’ll protect this club.” Pagkasabi niya nun ay naglakad na siya papunta sa kwarto nila.
I guess I just need to trust Ayo with this one. Makakaya niya to.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
SATURDAY.
Nagtipon ang lahat ng estudyante ng Brookefield at Ashfield dito sa isang stadium malapit sa campus.
Ngayon na ang brain offs ng rank #1 ng Ashfield na si Jake Alcantara at ng rank #1 ng Brookefield na si Ayo Montefalco A.K.A Primo.
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang competition pero wala pa rin si Ayo.
“Mukhang hindi sisipot si Primo.” Sabi ni Kaye. Napatahimik lang ako habang tinitingnan si Jake na kasalukuyang napakalaki ng ngiti habang nasa table niya.
Ayo, nasaan ka na nga ba?
“Good day, ladies and gentlemen! Today, we are here to see the most awaited competition of the year! The Brain Offs!” Nang sabihin iyon ng MC ay nagpalakpakan ang lahat kabilang dun si Jake Alcantara na mukhang nagugustuhang wala si Ayo sa paligid niya.