35

346 15 8
                                    

Tin POV

Naglalakad ako sa hallway habang bitbit ang mga librong hiniram ko sa library. Lumulutang pa rin ang utak ko dahil sa kung anu-anong nangyayari sa paligid ko.

Pilit ko pa ring iniintindi ang sinabi ni Ayo sakin kagabi. Hindi ko pa rin ma-recall kung ano yung iba niyang sinabi?

"Tss, you are my poste girl and asdfghkl."

Ano ba yung sinabi niya? Nakakainis ba't kasi ang hina ng pagkakasabi niya nung part na yun? Hindi ko tuloy naintindihan!

*BLAG!*

May nakabangga akong tao kaya naman nahulog ang mga dala kong libro. Wala pa rin ako sa sarili ko habang pinupulot yung mga libro.

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Nagbalik lang ako sa realidad nang makita kong si King pala ang nakabunggo ko.

"King.. Ikaw pala yan."

"May problema ka ba? Mukha kasing sobrang spaced out ka ngayon." Nginitian ko lang si King.

"Wala 'to. Stress lang sa studies. Alam mo naman."

"Oh, by the way, may date ka na ba para sa evening ball bukas?" Namalikmata lang ako nang tanungin yun ni King. Evening ball? Bakit parang wala naman yatang nasabi sa amin si Sir Trent tungkol dun?

"Evening ball?"

"Oo, hindi mo ba alam? Invited ang buong Brookefield sa evening ball na inorganize ni Mycah Del Valle."

Mycah Del Valle? Si Mikay?

"Ahh. Hindi ko alam eh." Biglang hinawakan ni King ang kamay ko.

"Just go with me. Be my date for the ball."

Magsasalita na sana ako nang may biglang humila ng manggas ng uniform ko kaya naman napaatras ako. Napalingon ako kung sino yun. Sino pa ba? Edi si Ayo.

"Don't bother. She's already coming with me." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabing yun ni Ayo. Napatingin ako kay King at mukhang naguluhan rin siya sa sinabi ni Ayo.

"We're leaving." Hindi ako nakapalag nang hilahin ni Ayo ang uniform ko kaya naman naiwanan dun si King.

Hila-hila pa rin ako ni Ayo at hindi ko na alam kung saan kami pupunta dahil nakalagpas na kami sa clubroom. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang estudyante.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon