Ayo POVNAKAPAMULSA akong naglakad pabalik sa dorm. Tss, ano bang ginagawa ko sa buhay? I should be sleeping by now.
"Ayo.." Napalingon ako sa gate nang may tumawag sa akin. Pagkatingin ko ay si Tin pala yun. Naka-civillian siya kaya alam kong lalabas siya.
"S'an ka pupunta?"
"Ah, ubos na kasi yung gamot sa medicine cabinet kaya pupunta ako sa botika para bumili. Nasabi ko na 'to kay Han pero pakitingnan na rin kung pupunta si Sir Trent sa Startelle. Nalagay ko na sa desk niya yung pinapagawa niya sa akin."
"Si Han lang ba ang nasa dorm?" Tumango si Tin.
"Sige, mauna na ako para hindi na ako gabihin." Tumango lang ako tsaka umalis si Tin. Gusto ko sanang sumama sakanya pero alam kong may mali sa nangyayari sa paligid, and I need to know what it is.
Palapit palang ako sa Startelle ay biglang bumukas ang microphones sa paligid.
"Attention Students..
There will be an inspection today. Again, students please stay where you are because we are going to conduct an inspection in your dorms. Thank you."
"Inspection? This time of the month?" Bakit magkakaroon ng inspection sa kalagitnaan ng buwan? Inspections only happen during the end of the month.
"Hay, baka ma-confiscate yung junk foods ko!!" Napatingin ako sa dalawang babaeng regular students na naglalakad.