11

407 12 6
                                    

Kaye POV

NABWISIT naman ako nang sabihin ni panotskie ang magiging partner ko. Like O to the M to the G. OMG, si Kiel pa talaga!

“What?! I don’t want this jerk to be my partner!” Nakita ko namang tumayo rin si Kiel at tumingin sa akin.

“Wow ha? Akala mo naman gusto kitang kapartner.” Napairap ako sa sinabi niya.

“Baka naman pwedeng makipagpalit ng partner? Anyone just not this jerkhead!”

“No Ms. Delos Reyes. It would be unfair if I’ll allow you. It’s just an activity. Now here is your frog and kit, start your activity, I’ll be checking it within an hour.”

Tumingin naman ako kay Kiel at binelatan niya lang ako. Inirapan ko na lang siya.

Nauna namang maglakad si Kiel at kinuha ang palaka at kit. I had no choice so I just followed him. Sayang ang grade ko.

Pagdating namin sa grounds ay nag-ayos na kami ng workplace. Inilabas ko ang palaka at inilagay sa dissecting pod.

Nang itinutok ko ang scalpel sa tiyan ng palaka ay napatingin ako kay Kiel na parang naiiyak.

“Hoy unggoy, anong problema mo?”

“I can’t do this.” Sabi niya habang iniiwasan ang pagtingin sa palaka. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Wala akong pake kasi I want you to do the dissecting alone kasi I am disgusted by frogs and I don't want to touch them.” Binigay ko sakanya ang scalpel pero kinabig niya yun.

“I can't! That frog looks like Momo!”

“At sino naman si Momo?”

“Alaga kong palaka—Aray!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinaghahampas ko ng tray si Kiel.

“Gawin mo na! Gawin mo!”

“Aray ko Kaye! Oo na! Oo na! Tulungan mo ako gagawin ko na!”

Tinigil ko naman ang paghampas ko at naghalukipkip kay Kiel.

“Ikaw na! Ayokong magdissect!”

“Eh wala e. Paired activity to. Wala kang karapatang pagurin ang kagwapuhan at hotness ko! Kailangan mo gumawa diyan Kaye Jasmine Delos Reyes.” Bigla namang nanlaki ang mata ko kay Kiel.

“O to the M to the G, OMG! You know my whole name? Are you stalking me?”

“Ang kapal ng mukha mo ah? Ako, stalker mo? In your dreams!”

“No! You are stalking me! I'm so gonna share it, like to the whole world!” Kinuha ko ang cellphone ko at nagpipipindot. Kailangan ko tong ma-tweet sa Twitter! Like OMG Kiel Madrigal is stalking me!

“Hoy! Para sabihin ko sa'yo, masyado akong gwapo at hot para maging stalker ng isang katulad mo!”

“Shut up! You really are my stalker! I knew it! Right from the start, you like me? OMG! HE LIKES M—” Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang may biglang dumapong malagkit na bagay sa mukha ko.

Pagtingin ko ay palaka pala yun.

PALAKA?!

“KYAAAAA! WAAAAAAHH! HELP ME!!!! KYAAA!! EEW!! GROSSS! SO KADIRI! KYAAAA!!”

Tinatanggal ko sa pagkakalagay sa mukha ko ang palaka pero bigla namang pumasok yun sa likod ng uniform ko.

“WHAT IS THAT MOVING THING ON MY BACK?! KYAAAAAAAAAAA!! KIEL!!! HELP MEEEEE!!!”

Hindi naman niya ako pinansin at tawa lang siya ng tawa sa akin. Ugh! Hindi ko maalis ang palaka sa loob ng damit ko!! Stupid frog!!

“KIEL HELLPPP MEE ANO BAAAAA!!”

Biglang dumaan si panotskie tsaka umarte si Kiel na parang may ginagawa. This jerk!!!

“Mr. Madrigal, why are you the only one making the activity?” Napatingin sa akin si Kiel at medyo natawa paano ba naman kasi para akong nagsasayaw sa ginagawa ko ngayon! Ugh palaka ka!

“As you can see, yung partner ko po kasi, ayun.” Tinuro ako ni Kiel. “Walang ibang ginawa kundi ang sumayaw. Ayaw nga po akong tulungan eh. Hindi ko nga po alam kung inaakit niya po ba ako kaya ayaw niyang tumigil kakasayaw e.”

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabing yun ni Kiel! Tiningnan ulit ako ni Kiel at nginitian ako ng matamis.

“Ms. Delos Reyes.”

“T-THAAAT'S SO NOT TOTOO!!! KYAAAAAA! HE IS PLAYING GAMES WITH ME!! KYAAA!!” Natatawa naman si Kiel. Kapag naayos ko to tingnan natin kung makatawa ka pa!

“Ms. Delos Reyes, stop that non sense and help Mr. Madrigal here.” Umalis naman si panotskie and humarap ulit sa akin si Kiel. Nangalumbaba siya habang nakatingin sakin.

Tawa pa rin siya ng tawa hanggang sa matanggal ko na ang palaka sa likod ko.

“Hala.” Sabi ni Kiel nang kumuha ako ng dalawang tray sa paligid namin. Lumapit ako kay Kiel tsaka siya pinaghahampas.

“Aray ko! Ouch! Sorry na, Kaye!” Sabi ni Kiel habang iniilagan ang mga hampas ko.

“I hate you! I hate you! I hate you!”

Binitawan ko ang hawak kong tray saka sinabunutan naman si Kiel. Nakakainis talaga siya! Dahil sakanya kailangan kong maligo ng twenty times para maging sure akong wala na akong amoy na palaka! Bwisit!

“Aray ko! Kaye tama na!” Hindi ko tinigilan si Kiel at sinakal ko pa siya.

“Kaye! Tama na yan uy!” Naramdaman ko namang may humila sa akin palayo kay Kiel. Pagkita ko si Shanen yun.

“Ms. Delos Reyes! Mr. Madrigal! Care to explain what happened with your dissecting?” Napalingon kami at nakita ko si panotskie na mukhang dismayado sa nakita sa table namin.

Oo nga pala! Wala pa nga kaming natatanggal na internal organs ng palaka!

“Time is up, I’ll be giving you 65% for your activity. Now clean up.”

“Teka po panotskie— este Sir Trent—” Naglakad na palayo si panotskie sa amin. Maluha-luha naman akong napatingin sa palaka na tumatalon talon sa paligid ko. Yung grade ko.. T___T

“YUNG GRADE KO!! UWAAAAA!!” Sabi ko habang nagdadabog. Yung grade ko! Yung grade ko!!

“Di na natin mababawi yun. Kaya wag ka ng mag-inarte diyan at magligpit na tayo,” Kinuha ko ang dissecting pod at hinagis sa mukha ni Kiel.

“Maglinis ka diyan mag-isa mo!” Tsaka ako naglakad paalis ng grounds. Bwisit!

“Kaye!”

Hindi ko pinansin si Kiel at nagpatuloy na sa paglalakad. Kailangan ko ng bumalik sa dorm. Kailangan ko magbabad sa bath tub na puno ng alcohol ng mga apat o limang oras.

Habang naglalakad naman ako ay inilabas ko ang salamin ko.

OMG. Ang Haggardo Verzosa ko at napaka Isabel Oily. Kailangan ko ng magretouch.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon