Tin POV12 noon.
6:30 AM ako dumating sa school at tanghali na ng makarating ako sa Guidance Office. Napakalaki ko ring tanga kasi hindi ko man lang tiningnan ang papel na binigay ng guard. Yung papel pala na yun ay may mapa ng buong Brookefield High. Kung sana tiningnan ko lang yun, hindi ko na sana naka-encounter ang mga taong yun.
Classes starts at 7:30 AM and ends at 3PM. As a student of Brookefield, may sariling dormitory sa loob ng school at doon na ako mag-i-stay.
"Miss Montecillo, I have seen the results of the exams you took and you got perfect scores in all and as I saw in your records, you have graduated a valedictorian in elementary up until third year?"
"Ah, yes ma'am."
Tinitingnan pa rin ng head teacher ang records ko habang nakaupo ako sa harapan niya. May kinuha siyang stamp sa gilid niya tsaka nilagyan ng stamp ang student's record ko.
"Sa lahat ng estudyante dito, maliban sa Blue Stars, ikaw lang ang may average ng 98.5% and because of that ingelligence of yours, I will not just join you with regular students," Ibinigay sa akin ng head teacher ang student's record ko at nakita ko ang isang blue na stamp na may star sa gitna.
"You will be joining Blue Stars."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng head teacher. According sa research ko, ang Blue Stars ay ang exclusive group of students sa Brookefield High na binubuo ng top students with a minimum average of 95%. Batay din sa resource ko, only those who excel in all subjects can join that prestigous organization kaya hindi ako makapaniwala na sinasali ako doon ng head teacher mismo ng Brookefield High.
"Ta-talaga ho?"
The head teacher smiled at me atsaka inabot sa akin ang blue na uniform at pin ng pangalan ko.
"Yes, and as a member of Blue Stars, you don't need to attend regular classes like the other students because you have a different schedule and different teachers."
Marami pang sinabi ang head teacher sa akin. Katulad na lang ng dorm na papasukan ko. Ibang dorm ang tutuluyan ko dahil nga isa na akong member ng Blue Stars, sa pagkakaalam ko ay ang pinakamalaking building sa Dorm's Department ang tinutuluyan ng Blue Stars. Syempre, separated ang boys at ang girls' room.
Inilibot ako ng head teacher sa kabuuan ng campus matapos kong magpalit ng uniform. Napansin ko rin ang pagtitinginan ng mag estudyante, kahit yung mga kaninang tinrato akong parang hangin ay nakatingin sa akin ngayon. Ang laking palaisipan sa akin kung bakit kulay blue ang uniform ko samantalang kulay beige naman ang sa karamihan sa estudyante.
Sobrang laki nga talaga ng Brookefield High. Laking pasalamat ko na lang na hindi ako gaanong naligaw kanina.
May anim na building ang Brookefield. Isa ay para sa mga freshmen, isa para sa sophomore, isa sa juniors, isa sa seniors, samantalang yung dalawa naman ay leisure and miscellaneous katulad ng library, computer room, snack bars etc.
Ayon sa head teacher, ang room na pinakamalaki sa Seniors department ang clubroom ng Blue Stars.
Nagpunta na kami sa Seniors department para pormal na akong ipakilala ng head teacher sa mga makakasama ko doon. Medyo kinakabahan nga ako dahil bago pa lang ako dito at hindi ko pa alam kung makakasundo ko ang mga makakasama ko.
Panay pa rin ang tinginan sa akin ng mga studyante sa paligid na akala mo nakapatay ako ng tao.
"Here we are, Ms. Montecillo,"