Tin POV
NAKASAKAY na kami sa van papabalik sa Brookefield. Napalingon ako kay Ayo na kasalukuyang nasa likod at natutulog. Pagkatapos ay tiningnan ko ang jacket na binigay niya sa akin.
"Because I don't want other boys looking at you the way I do."
Hanggang ngayon palaisipan pa rin ang mga katagang sinabi ni Ayo sa akin kahapon. Ano bang ibig sabihin niya dun? Tsaka, bakit sinabi niya yun?
“Aish!” Napahilamos ako sa mukha ko. Tss! Ano ba kasi talagang ibig sabihin ni Ayo sa mga ginagawa niya?
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
“Hay! Back to reality nanaman! Anyways, naenjoy ko naman yung short trip natin.” Sabi ni Aly nang makababa kami mula sa van.
Oo nga. Back to reality, nandito na ulit kami sa Brookefield at syempre kailangan na ulit naming magprepare para sa nalalapit na quarterly exams.
“Na-enjoy mo ba yung trip, Tin?” Tanong sa akin ni King. Nakangiti naman akong tumango sakanya at nginitian naman niya ako pabalik.
Habang nag-uusap kami ni King ay nahagip ng mata ko si Ayo na nakatingin sa amin sa malayuan. Nang mapatingin ako sa kanya ay nginisian niya lang ako tsaka naglakad papalayo.
“Ahh, King. Sandali lang, may kakausapin lang ako.” Pagkapaalam ko kay King ay tumakbo ako papunta kay Ayo.
“Ayo!” Tawag ko sakanya. Saglit siyang napahinto tsaka lumingon sa akin. Hindi siya nagsasalita habang patuloy lang na nakatitig sa akin.
“What do you want?” Sabi niya nang mahigit limang minuto na akong nakatunganga sa harap niya.
“Ahm... A-ano.. K-kasi..” Bakit ba ako nauutal sa harap ni Ayo? Kaya mo yan, Tin. Itanong mo lang sakanya kung ano ang bumabagabag sayo, then you are all set. Okay na, makakapag-isip ka na ulit nang maayos.
“Tss. You're wasting my time.”
“Sandali! G-gusto ko lang sana itanong.. Kung, ano yung ibig mo sabihin sa sinabi mo kahapon.” Napahinto sa paglalakad si Ayo at tumingin sa akin. Maya maya ay lumapit siya at tiningnan ako sa mata.
“It’s for you to find out.” Sabi sa akin ni Ayo tsaka siya umalis at naglakad papasok sa dorm habang ako ay naiwang maraming tanong sa ulo.
Ugh! Paano ako makakapag-aral nito?
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Nagbabasa lang ako sa booklet ko habang malaking palaisipan pa rin sa akin ang sinabing yun ni Ayo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ba ginugulo ang utak ko tungkol sa bagay na yun. Dapat ay i-focus ko ang sarili ko sa pag-aaral ko, hindi dapat sa ibang bagay.
Habang nagbabasa ako ay napalingon ako kay Ayo na nagbabasa rin ng booklet niya. Nang mapalingon naman ito sa akin ay umiwas ako kaagad ng tingin.