Tin POV
NAGLALAKAD kami ni Shanen at Kaye papunta sa classroom namin. Absent si Han at Ken dahil nasa ospital pa rin sila ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Ang tahimik na si Ken, isa palang former gangster. Siguro nga ay marami pa talaga akong hindi alam sa Blue Stars.
Pagpasok sa room ay kaagad rin naman kaming umupo sa pwesto namin. Dumating na rin ang iba naming mga kaklase kasama si Kiel at Ayo.
"Good morning, class." Tumayo kaming lahat para batiin si Ma'am April na kakapasok lang sa classroom. Nagstart ang morning prayer na si King ang naglead since siya ang class president. Pagkatapos nun ay umupo na rin kami.
"Today, I want you to form a group. This is for this friday's performance. This grade will be under Music. Okay? Start forming one now."
Pagkasabi nun ay nagsama-sama kaming tatlo ni Shanen at Kaye. Maya maya ay nakita ko si Aly, Misty, Cassi at Hannah na palapit sa amin.
"Uy! Baka pwede tayo-tayo na lang magkakagroup?" Tanong ni Aly.
"Sure. Fine with me." Sabi naman ni Kaye.
"Okay rin sa akin!" -Shanen.
"Oo naman sige." Sabi ko naman habang nakangiti sakanila.
"Kung ganun, let's start planning!" Sabi ni Hannah kaya naman nagsimula na kaming magplano ng mga kailangan naming gawin.
Inilabas ni Misty ang laptop niya tsaka kami nagsearch ng concept na gagamitin namin. Sing and dance ang gustong gawin ni Hannah since lahat naman daw kami ay marunong sumayaw kaya sumang-ayon rin naman ang iba.
Nakita ko ring sumali na si Ayo at Kiel sa isang grupo ng boys sa room at kagroup din nila si King.
"Maganda ito, kpop dance group ang gamitin nating concept." Sabi ni Cassi tsaka ipinakita sa amin ang choreography ng napili niyang kanta.
Pinatugtog ni Cassi ang kanta atsaka namin sinimulang pag-aralan ang steps.
"Ms. Montecillo and Mr. Montefalco, please follow me." Napatigil ako sa panunuod nang tawagin ako ni Ma'am April. Si Ayo rin ay tumayo at sumunod kay Ma'am April sa labas ng room.
Pagkalabas namin ay may binigay na papel sa amin si Ma'am April.
"Nakalagay sa papel na yan ang pyesa na gagamitin niyo. Miss Loungeville told me na gusto niyang magperform kayo ng duet sa event sa Friday." Nanlaki naman ang mata ko nang sabihin ni Ma'am April yun.
"Seryoso po ba kayo? Ako po? Kakanta? Pero hindi naman po maganda ang boses ko ehh!" Totoo naman! Hindi naman talaga ako magaling kumanta. Marunong, oo. Si Ayo, wala naman talagang masasabi diyan. Maganda talaga ang boses niya, pero ako? Hindi.
BINABASA MO ANG
Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]
JugendliteraturWhen the angel meets the devil.