Han POV
Naglakad ako pababa habang nakasunod kay Ken dahil siya ang partner ko. Wala naglalakad lang siya ng ubod ng bilis habang nakapamulsa ang isang kamay at yung isa naman ay hawak yung kit at frog.
When we reached the grounds pumwesto na kami sa isang table at nilagay na ni Ken ang kit at palaka. He put the disecting pod on the table.
“Siguro naman hindi ka takot sa palaka no?” Tanong ko kay Ken.
“Of course not. Ano akala mo sa akin bakla?” I looked at Ken na parang nag-iisip.
“Yes.” He stared at me and gave me a death stare. I just tilted my head and ngumiti. Ngiting aso.
“Tss. Gwapo ko namang bakla.” Walang ka-emo emosyong sabi ni Ken. Inirapan ko lang siya.
“Self conceited. Tch.” Naglagay ako ng gloves.
“Ilagay mo na yung palaka. In an hour magchecheck na.” Kinuha ko mula sa garapon ang palaka at inayos na sa disecting pod.
Nilibot ko ang tingin sa grounds. Puro mga nagdi-disect, napalingon ako sa tapat at nakita ko si Tin at Ayo na mukhang malapit nang matapos.
Binilisan ko naman ang pag-aayos tsaka kumuha ng scalpel.
“Why are you competing with them?” I looked at Ken na kasalukuyang inaayos ang mga vials.
“What are you talking about?”
“Them.” Turo niya kay Ayo at Tin.
Tinuloy ko lang ang pagdi-disect. “Life is a competition and everyone is your opponent. That’s life, Ken.”
“Not at all times. You see, Han. No man is an island. There are times that you will need a helping hand.”
Napatawa lang ako. “Who needs them? I can handle myself.”
Pumunta ako sa may gilid ng workplace namin para maghugas sana ng kamay pero pagbukas ko ng hose ay sobrang lakas ng current ng tubig and I got soaked.
*SPLASH
Basang basa ako at hindi ko na malaman ang gagawin.
Tss. Naalala ko ang damit ko. I’m soaked, very very very soaked. Tsh. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Ken.
Mula sa pagiging poker face ay biglang nanlaki ang mata nito at nakita kong napalunok siya.
Tama bang nakita ko? Napalunok siya? The heck, why?
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Ken POV
Pagkatapos kong sabihin yun ay pumunta sa may gilid si Han. Siguro ay maghuhugas siya ng kamay kaya naman ako na ang tumapos ng ibang gagawin dito.
Hindi nagsasalita si Han nang biglang may marinig akong parang sumaboy na tubig.
*SPLASH
Napatingin ako kay Han at nagulat ako ng makita siyang basang basa. Mukhang nabigla yata niya yung pagbukas ng hose kaya nabasa niya ang sarili niya.
Tutulungan ko na sana siya nang napatigil ako ng mapansing she’s soaking wet. Humarap siya sa akin at nanlaki naman ang mata ko.
*gulp
Di ko napigilan ang sarili ko at napalunok ako. Naramdaman ko ring lumapit sa akin si Han.
Iniwas ko ang tingin ko sakanya at tinapos ko na ang pagda-disect.
Pagkaharap ko ay nagulat akong nasa likuran na pala si Han.
“You‘re soaked.” Sabi ko sakanya. Inirapan niya lang ako.
“Obviously?” Iniiwasan ko ang mapatingin sa katawan niya kaya pumunta ako sa kabila at tinalikuran siya.
“Saan ka pupunta? Iiwanan mo ako dito? Don’t tell me na ako ang pagliligpitin mo nito?” Hindi ko pinansin si Han at patuloy lang ako sa paglalakad.
Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang damit ko at napaharap ako sakanya. Bigla siyang namali ng apak sa likod at dahil nakaheels siyang sapatos ay bigla siyang natumba at dahil rin hawak niya ang damit ko ay nasama ako sa pagkakahulog niya.
*BLAG
Napatingin ako kay Han. Narealize kong nasa ibabaw niya ako. Nakatingin lang rin si Han sa akin at parang hindi comfortable sa pwesto namin.
I can see her sweating at bigla siyang napalip bite. Fvck. Umiwas ako kaagad ng tingin sakanya.
Tatayo na sana ako pero napahawak ako sa basang buhok niya at dumulas ang kamay ko at bumagsak ulit kay Han.
*tsup
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Han POV
“You‘re soaked.” Sabi ni Ken sa akin na parang hindi mapakali.
“Obviously?” Hindi na ako tiningnan ni Ken at nilampasan lang ako.
“Saan ka pupunta? Iiwanan mo ako dito? Don’t tell me na ako ang pagliligpitin mo nito?” Napakadami kayang liligpitin. Ayokong magligpit nito.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa paglalakad.
Hinila ko ang damit ni Ken at napaharap siya sa akin. I stepped backward at namali ako ng apak kaya nadulas ako at nahulog. Biglang bumagsak si Ken at nabagsakan ako because I was holding his shirt. Nagulat naman ako. Ang bigat niya!
Itinukod naman ni Ken ang siko niya at napatingin siya sa akin. Saka ko lang narealize na, he was above me. Bigla akong pinagpawisan at napakagat ako sa labi ko. Napansin kong umiwas siya ng tingin sa akin.
Pero nang tatayo na siya ay napahawak siya sa buhok ko kaya nadulas siya at bumagsak ulit sa akin.
*tsup
Nanlaki ang mata ko sa nangyari. His lips landed on mine at hindi ako makapaniwala!
This guy just kissed me! Ken kissed me! We kissed!
Matagal kaming nastuck ni Ken sa ganitong pwesto and he wasn’t reacting! Nag-enjoy naman yata siya sa labi ko?!
Mabilis ring umalis at tumayo si Ken. Inalalayan niya akong tumayo pero nakaramdam ako ng awkwardness. Hindi nakatingin sa akin si Ken.
“Ang daming nakatingin sa'yo.” Sabi ni Ken habang nakakunot noo. Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan niya at nakita ko nga ang mga lalaking estudyante nakatingin sa akin.
Napatingin ako sa damit ko.
Oh My God.
Ipinangtakip ko ang kamay ko sa damit ko. I felt like I was blushing in embarassments. Nagulat naman ako ng hubarin ni Ken ang uniform niya at inabot sa akin. Nakasando na lang siya ngayon but I can barely see his upper body. Sobrang nipis kasi ng damit niya.
I looked at him. “Wear it.”
“Pero—”
“Just wear it.” Sinunod ko naman ang sabi ni Ken saka sinuot na lang ang uniform niya. Naglakad na siya palayo sa akin. Habang naglalakad siya ay napahawak ako sa labi ko.
Ken and I just kissed. Ugh, Han. Stop thinking about it. It was all an accident.
That’s all.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
#HaKen <3