Ayo POV
“Primo, are you sure you can play?” Tiningnan ko lang si Kiel.
“Yes. What made you think I can't? ” Napainom na lang ako ng tubig. I am here again. Risking my own safety. But why am I here again?
**flashback
I was walking through the hallway when I heard a loud voice. Tss, ang ingay.
I am really not a fan of eavesdropping but something told me to listen to what they were talking about.
“B-b-bakit ako?” I heard a familiar voice. And I know who owns that.
“Syempre kasi ikaw lang naman ang crush ni President eh!! Tyaka, mahalaga para kay pres ang laban niya bukas at kung nandun ka.. Sigurado akong magagawa niya ang best niya para manalo. Kaya please sumama ka na sa amin, Tin." And I was correct. It was Tin.
“Pag-iisipan ko—”
“Pumayag ka na! Sige na, wala namang magagalit kung may susuportahan kang lalaki diba?”
“W-wala naman—”
“Kaya sumama ka na! Pleasseee!”
“Sige, sasama na ako.” Ito ba yung laban na sinasabi ni Kiel? Susuportahan huh? Tss.
Pagpasok ko sa clubroom ay kaagad hinanap ng mata ko si Kiel at Ken. Nakaupo lang sila habang nag-uusap.
“Oh, Primo. Anong problema?”
“Isali niyo ako.” Nagkatinginan naman si Kiel at Ken. “Isali niyo ako sa basketball match niyo.”
Napahawak ako sa sentido ko. Nakakainis isipin na nandito nanaman ako because of her. Tsk. What the hell am I thinking?
Bakit ba kasi narinig ko pa ang pag-uusap na yon?
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Tin POV