Han POV
NAKAHAWAK lang ako sa mug na iniinuman ko habang nakatingin sa dalampasigan. Halos ngayon palang kami nakapunta sa villa dahil sa nangyari kay Kaye.
I still can't forget that I almost killed Aya. Because of my selfish deed, I managed to cause someone's misery, again.
"Han." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Ken. Tiningnan ko lang siya pagkatapos ay binalik ko ang atensyon ko sa dalampasigan.
"Ikaw ba ang may kagagawan sa nangyari kay Aya?" Napatingin ako kay Ken na kasalukuyang nakatitig sa akin.
"W-wala akong alam sa sinasabi mo." Pagkatapos kong sabihin yun ay tumayo ako at naglakad palayo kay Ken.
Naramdaman kong hinila niya ang kamay ko kaya naman napatigil ako at napaharap sakanya.
"Ikaw ba, ikaw ang may pakana?" Tanong ni Ken. Hindi naman ako kaagad nakasagot sa sinabi ni Ken at napatitig lang sakanya. Maya maya ay binawi ko rin ang kamay ko sakanya.
"Sinabi ko na sayong wala akong alam dun! Okay? Stop asking me stupid questions." Pagkatapos kong sabihin yun ay naglakad na ako paalis habang tuliro pa rin ang utak ko.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Tin POV
"CHRISTINE MONTECILLO, USO MAG WAKE UP! OMG!" Naidilat ko ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ko ang mga mukha ni Kaye, Shanen, Aly, Hannah, Misty at ni Cassi.
Pinunasan ko ang bibig ko.
"OMG. Napakahirap mong gisingin girl!" Sabi ni Kaye. Napansin ko namang mga nakabeach-dress na silang lahat. Pagkatingin ko sa orasan, UMAGA NA PALA!
"Mag-shower ka na, Tin! Para makapag-breakfast na tayo sa baba." Sabi sa akin ni Aly.
"Sige. Mauna na kayo sa baba, mag-shower na ako." Nagshower na ako tsaka bumaba ang mga kasama ko.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
PAGKABABA ko ay nakita ko silang lahat na kumakain na.
"Tin! Tara!" Sigaw sa akin ni King sabay tap ng pwesto sa gilid niya. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad atsaka umupo sa tabi ni King.
Ang sarap ng mga pagkaing nakahain. Inorder pa raw kasi ito sa Pampanga. Grabe ang sasarap! *u*
Hindi na ako nakapagpigil at kumain na talaga ako ng kumain. Hindi dapat tinatanggihan ang grasya noh!
Nagulat ako nang may biglang humawak ng kamay ko at pagkakita ko ay si King yun.
"May pwobwema ba?" Tanong ko habang may pagkain pa rin sa bibig ko.