Tin POV
NAGLALAKAD ako sa hallway at pansin ko ang mga tinginan sa akin ng buong Brookefield. Napahawak lang ako sa ulo ko. Kagabi kasi biglang nag-viral sa SNS ang photos naming dalawa ni Ayo nang halikan niya ako. Napabuntong hininga naman ako.
Napatigil naman ako sa paglalakad nang makita ko si Aly na nasa may locker niya. Kailangan ko siyang makausap, baka kasi mamaya, iba na palang iniisip niya tungkol sa kiss na yun!
"Aly!" Nang makita niya ako ay impit siyang ngumiti.
"Uy ikaw pala. May kailangan ka ba? Medyo nagmamadali kasi ako."
"Gusto ko lang sanang linawin sayo yung nangyari sa evening ball. Kung ano man yang iniisip mo, mali ka. Kaya lang siguro nagawa ni Ayo yun ay para sa prize. Yun lang." Sinarado ni Aly ang locker niya tsaka naman siya ngumiti sa akin.
"Hwag kang mag-alala, naisip ko na din yan. Tsaka syempre kahit sino naman siguro yung maging taya nung gabing yun baka hinalikan niya rin, hamakin mo Lamborghini ba naman ang prize. Who wouldn't want that, di'ba?"
Napahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang at naiintindihan naman ako ni Aly. Akala ko kasi talaga magagalit siya, syempre dahil gusto niya si Ayo.
"Tsaka, magkaibigan kaya tayo. Alam kong hindi mo aagawin sa akin si Ayo!" Napatingin lang ako kay Aly nang sabihin niya yun. "Di'ba, Tin?"
"A-ah, haha. Oo naman. Sayong sayo na si Primo."
"I knew you are a true friend. O siya, sige. Aalis na ako. Madami pa akong written reports eh. Ingat!" Kumaway si Aly bago siya tuluyang tumakbo papalayo. Naiwan naman akong nakatayo atsaka ako naglakad pabalik sa clubroom.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
BINIGYAN na ulit kami ng booklets para sa susunod na quarterly exams. Lahat kami ay nagbabasa dahil sa activity na pinapagawa ni Sir Trent.
"I want you to do a 2000 word essay about what you've read. The plot, the characters and their description, the summary, the climax and the lesson of the story."
Nagbasa naman ako ng story pero pakiramdam ko ay walang nagsi-sink in sa utak ko. Ang gulo-gulo kasi ng isip ko, hindi ko alam kung bakit ba ako hindi makapag-focus.