Tin POV
“Waah..... waah.... waah...” Ano bang lugar ‘to? Hmm, nakakainis.. Hindi mawala sa isip ko yon!!
“What’s happening to her? She’s starting to freak me out ha,” Bakit kaya ako nasa lugar na ‘to? Waah! Umalis ka na sa isip ko!!
“Ewan ko eh hahahaha, pero ang cute ni Tin!!” May pumipisil ng pisngi ko pero wala akong pakialam dun. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Ayo..
“I am the only one. Ako lang ang pwedeng makipagdate sayo, at wala nang iba.”
“I am the only one. Ako lang ang pwedeng makipagdate sayo, at wala nang iba.”
"(º Д º*) *silence~~~*
“Waahh... wahh.. waahh,”
“Waaahhh... wahh.. waah...”
Ano bang gusto niyang mangyari? Bakit niya sinabi yon? Gusto niya lang ba ako pagtripan? Para gumulo yung utak ko? O para lang mainis ako? O kaya pakulo niya lang to para magkaroon ng meaning yung ginagawa niya? O kaya para lang magkaroon ng sasabihin?
“I know what to do, get out Shanen.” O kaya para paglaruan yung utak ko? Bakit naman niya sasabihin yun? Sa dami ng pwedeng sabihin yun pa talaga yung sinabi niya—
*PAAAAAAAAAK!!*
Bigla akong nahulog sa upuan ko ng may sumampal ng napakalakas sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko ng naiiyak-iyak.
“Kaye.. Ba’t mo ba ako sinampal?”
“I don't want another weirdo in this dorm. Han has been acting weird since morning dahil malapit na ang exams natin. Gosh, sanay na ako kay Han but you, stop acting weird.” Nakapout na sabi ni Kaye.
Lumapit naman si Shanen sa akin.
“Ba’t ba pre-occupied ka, Tin? May nangyari ba?” Pagkatanong sa akin ni Shanen ay kaagad na nagflash back sa utak ko yung sinabi ni Ayo.
⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄ extreme blushing~~
“Gosh, here she goes again!”
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Han POV
I CAN'T LOSE THIS TIME.
I swear that this time, I’ll make it to the top. I swear that this time, hindi lang ako Rank #3. Hindi na ako magpapatalo at hindi ko hahayaang maungusan ako ni Montefalco at ni Montecillo.